Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: International street children’s day

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Ipinagdiwang ang International street children’s day ngayong buwan ng Abril, petsa na a dose sa taong ito. Hindi man ako miyembro ng  Civil Service Commission (CSC), pero nakita ko ang layunin nila para sa mga batang nakatira sa kalsada, sa mga batang  iniwan na ng kaniya- kaniyang magulang na ang kanilang karapatan ay hindi mabalewala, na kailangan makinig ng gobyerno sa tinig ng mga bata at namamahala ng selebrasyong ito.


Ang International Day para sa mga Street Children ay pinangungunahan ng CSC, na sinusuportahan ng mga corporate partners katulad ng  Aviva and CSC's members.Ang CSC ay leading international member-based network na dedicated sa advocating, promoting at campaigning para sa karapatan ng mga bata. Meron silang anim na pung miyembro na syang kumikilos sa mahigit na isang daan at tatlong pung mga bansa, sa ibat-ibang dako ng mundo.

 

Ang pagdiriwang na ito ay isang paraan upang maunawaaan ng mga tao lalo na ng gobyerno sa ibat-ibang bansa gaya ng Pilipinas na ang mga batang nagkalat sa kalye ay may karapatan din katulad ng mga batang lumaki na may pamilya.  Lahat na bata ay may karapatang lumaki na malusog, maginhawa at masaya, may karapatang mag-aral, mahubog ang kanya kanyang kakayahan, mairespeto na may buong dignidad at pagpapahalaga, may karapatan din sila na kanilang maramdaman na sila’y sinusuportahan sa lahat ng mabuti na kanilang inaasam, at sila’y mahubog sa matibay na malay sa hindi pag-iisa.

 

Ito sana ang mga pagpapahalaga na dapat matiyak ng bawat bansa na kasama sa United Nation pero nagkakaroon ng problema kapag ang isang bata ay nakikita na sa kalagayang na sya’y street children na.  Ayon sa Committee on the Right of the Child, ang mga street children ang pinakamahinang biktima ng pinakamasamang elemento ng mga taong masasama  na kung minsan ay hindi na alintana o pinababayaan na lang ng mga awtoridad. Syempre, dahil mga bata ang nagiging kasangkapan na gumawa ng mga kasamaan, hindi naman nila pwedeng ikulong dahil menor de edad pa. At sa kasamaang palad, ang effort na inilalaan para sila ay maprotektahan, ay napakaliit pa rin na bahagi.  Kaya ang mga miyembro ng CSC ay nagpupumilit na ang april 12 ay manatiling marka sa bawat isa na International street children day, upang magising rin at maalala ng mga nasa gobyerno ang mga bata na sana ay susi ng pagbabago.

 

Isa ako sa umaalala sa araw na ito, maging isa ka rin sana kung mababasa mo ito. At hindi lang pag-alaala, kundi gawin natin sa gawa. Minsang naalala ko ang sinabi ng isang tinatawag nila na Mr. Public Service, si Mr. Daniel Razon, “kung halimbawa, may nakita kang bata na nanghihingi sa iyo sa kalsada, kung duda ka na bigyan sya ng pera dahil baka magamit lang sa kung anong kasamaan, e di bigyan mo ng pagkain, pero hindi lang sana basta pagkain na tira-tira, kundi yung pagkain na nakakabusog,” at lagi ko din naalala na sinasabi nila, “Ang paggawa ng mabuti, hindi magbubunga ng masama”

 

Kung ang organisasyon na ito ay nagpipilit na marinig ang tinig nila, ang hikayat ko simulan natin sa araw na mababasa ito, hindi man bigyan pansin ng mga nasa gobyerno, gawan natin ng mabuti sa bawat ang araw ang mga street children na masasalunga natin.--Submitted by Ellaine Esguerra


streetchild

image source: http://www.odyssei.com

 

 

 


Last Updated on Friday, 15 April 2011 03:21

Add comment


Security code
Refresh