Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Skills Registry System, patuloy na isinasagawa

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Ang Department of Labor and Employment (DOLE), isang pambansang ahensya ng pamahalaan, ay naglunsad ng National Skills Registry System (SRS) bilang bahagi ng Jobsfit Program 2020 ng nasabing ahensya na sinimulan noong nakaraang taon. Ang Jobsfit Program 2020 ay naglalayong mabigyan ng impormasyon ang mga mamamayan sa mga bakanteng trabaho na maaari nilang aplayan at gayundin ay upang itugma ang kanilang kakayahan sa mga nakalaang trabaho.

Alinsunod rito, inilunsad ang SRS sa mahigit tatlumput-limang (35) Local Government Units (LGUs) sa buong bansa, kasama rito ang Lungsod ng Calamba. Ang naturang proyekto ng DOLE ay ipinasa sa LGU sa pamamagitan ng Information, Investment Promotions and Employment Services Office (IIPESO). Ang SRS ay isang sistema ng pagreregistro ng mga manggagawa na layong patatagin ang listahan ng skills sa DOLE Phil-Jobnet.

Upang makiisa sa proyektong ito ng DOLE, hinihikayat ng IIPESO na sundin ang mga sumusunod upang magpatala:

  • -Tumungo sa IIPESO- Calamba upang kumuha ng registration form;
  • -Kung tapos na sagutan, isumite ang naturang form sa IIPESO upang maitala na sa database;
  • -Maaari ring hintayin ang referral na manggagaling sa IIPESO kung may nakalaang trabaho na tutugma sa kasanayan o kakayahan ng manggagawa;
  • -Upang maiwasan ang abala, maaari na ring ihanda ang mga sumusunod:
  • -Bio data o resume
  • -Katibayan ng dating pinaglilingkuran o trabaho
  • -Katibayan ng kakayahan at kasanayan (Diploma o Certificate)

 


 

phil-job-net

 

 

 

Last Updated on Friday, 15 April 2011 02:58

Add comment


Security code
Refresh