Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

KUNG TUNAY NGA NA WALA NG PLASTIK

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Kabi-kabilang mga paskil na naglalakihan sa bawat kanto ng siyudad ang bumulaga sa mamamayang Calambeño nitong mga nakaraang linggo. Ang mga paskil na ito ay nagsasabing bawal na ang plastik at Styrofoam sa ating siyudad.

Maraming beses na nating narinig na hindi mabuti sa ating kalikasan ang mga plastic at Styrofoam na inaabot ng libu-libong taon bago mabulok. Sa panahong binabaha na ang malaking parte ng ating siyudad, isang malaking hakbang ang ordinansang ito upang bawasan ang problemang ito.

Sa dami ng uri ng plastik na ginagamit natin araw-araw, mula sa palengke, supermarket at kahit sa mga sari-sari store, tayo ay sama-samang mag-a-adjust sa pagbabagong ito.

Saksi rin ang mga taga-Calamba sa nangyaring pagbabagong ito sa Munisipalidad ng Los Baños na ilan taon nang nagpapatupad ng ganitong batas. Ang tagumpay ng Los Baños sa ganitong hakbang ang isa sa nagtulak sa mga Calambeño na sumunod sa kanila, lalo na ngayon na dumarami pa lalo ang naninirahan sa ating lunsod.

Isa ring gumawa ng ganitong batas ay ang Lungsod ng Muntinlupa. Sa kabila ng pagtutol ng malalaking mga establisyemento at mga plastic and Styrofoam manufacturers, matatag pa rin nilang hinarap ang hamon para sa pangmatagalang tulong sa ating mundo. Gagastos ng limang beses na mas mahal ang mga establisyemento upang palitan ang kanilang mga plastic bags ng paper bags.

May inihaing magkahiwalay na panukalang batas sina Senador Loren Legarda at Ferdinand Marcos Jr. para sa pambansang regulasyon para tuluyan ng burahin ang marka ng mga plastic bags sa bansa. Hindi lamang indibidwal ang pinagbabawalan sa paggamit subalit pati ang mga kompanya, kabilang ang mga malls, supermarkets at maging mga non-biodegradable plastic manufacturers.

Subalit usad pagong ang mga nasabing panukala dahil sa kabi-kabilang pagtutol ng mga maliliit at malalaking negosyante. Pinupunto nila na hindi ang plastik o Styrofoam ang problema kundi ang kawalang disiplina ng mga tao sa paggamit nito.

Madaling sabihin ang batas subalit hindi ganoon kadali ang pagpapatupad nito. Hinarap ng Los Baños at Muntinlupa ang problemang ito at hindi malabong maging sa ating lugar ay maramdaman din natin ang ganitong problema, ang pagmamatigas ang pagtutol ng mga taong kumikita sa plastik at Styrofoam.

Hindi nakikita ng mga ito ang pangmatagalang epekto ng nasabing batas at ang kalawakan ng tulong nito para sa lahat. Ang tanging sinisilip nila ay ang short-term cost and benefit. Sa mga susunod na malalakas na bagyo ay hindi na natin dapat simpleng isisi na lamang sa mga baradong drainage ang baha kundi sa kapabayaan na ng bawat isang indibidwal at institusyon kung bakit naging barado ang ating drainage system.

Sa ngayon, nakadikit pa lamang sa mga pader ang batas na ito o nakasulat sa iba’t ibang sirkulasyon o pahayagan. Ang pinakamahirap na parte ay ang pagpapatupad at nasa kamay na ng ehekutibo kung paano gagawing epektibo ang batas na ito. Ang malinaw ngayon, marami pa ring nagkalat na plastik at patuloy ang bawat isa sa paggamit nito sa ating lungsod. Huwag sanang mauwi ang ordinansang ito na nakasulat na lamang sa papel.-----Matt Palentinos


plastic

Add comment


Security code
Refresh