Ang cellphone ay isang mahalagang gadget sa panahon natin ngayon. Mula sa matanda hanggang sa mga batang marunong gumamit nito. Sa panahong lumabas ang cellphone, ang unang gamit nito ay para makatawag at makatanggap ng tawag mula sa bawat indibidwal kahit nasa daan o saang lugar man. Sumunod na pagbabago ay ang pagkakaroon nito ng text message kung saan nakita ng mga tao ang kaginhawahan ng paggamit nito kahit hindi tumatawag.
Kung noong panahong una ay nakikila ang kabuhayan ng isang tao sa pamamagitan ng cellphone, dumating ang pagkakataon na ito ay naging epektibo at alternatibong paraan para sa komunikasyon sa lahat ng may kakayahan na bumili nito. Nakita rin ng mga kumpanyang gumagawa ng cellphones ang malaking dulot nito sa tao.
Sa pag dami ng mga kumpanya na gumagawa ng cellphone katulad ng Nokia, Blackberry, Samsung, Ericsson, HTC, LG at marami pang iba, upang lalong mahikayat ang mga tao na tangkilikin ang kanilang produkto, naglagay sila ng tinatawag na “extra features”. Halimbawa, kung noon ay nakukuntento tayo na magkaroon ng cellphone na white and black lang basta nakakatawag at nakaka text. Naglabas ang mga kumpanya ng mga cellphone na colored. At makikita natin na kahit saan ka mapunta, o kahit dito lang muna sa atin, sa Termi-mall at SM Calamba, mapapansin ang maraming klase ng cellphone.
Kung susuriin ay mamamangha tayo sa galing ng tao dahil sa naiisip na ilagay na mga application sa isang maliit na gadget at nailalagay sa bulsa na isang klase ng epektibong komunikasyon. Sino ang mag-aakala na ang mp3 ay mailalagay sa cellphone. Kung noon ay okay na sa atin ang mga tunog ng ringtone at polyponics, sa ngayon ay gugustuhin na natin ang mga true tones kung saan maaari pa natin mailagay ang ating mga paboritong awit. Maging ang camera ay makikita na rin natin sa mga cellphone kaya kahit saan tayo magpunta basta may cellphone tayo na may camera, pwede ng “mag-picture-picture” Ganun din ang internet, kung noon ay kailangan natin ng computer para makapagbrowse sa internet, ngayon basta wi-fi ready pwede mo ng i-open ang mga paborito mong website.
Sa pag-yakap ng bawat Pilipino sa pagbabago ng mga nakaugalian na nating klase ng komunikasyon. Hanggang ngayon at sa darating ay gumagawa pa rin ng paraan ang mga kumpanya na maibigay ang hilig ng tao depende sa kanyang gusto, maging sa visual appearance o sa features nito.
Hindi natin mahuhulaan kung ano pa ba ang susunod dito at walang nakakaalam kung ano ang magiging itsura ng mag susunod na cellphone dahil sa napakaraming posibilidad na maaring mangyari. Pero isa ang nasisiguro natin sa ngayon, Lahat tayo ay naghihintay. At ineenjoy natin kung anong klase ng technology meron tayo dito sa mundo.
Cellphone Evolution
![]() | Analog Motorola DynaTAC 8000X Advanced Mobile Phone System mobile phone as of 1983 |
![]() | 1989. The first truly portable phone. Up until its release, most cellular phones were installed as car phones due to the inability to fit them into a jacket pocket |
![]() | This was the first mass-produced GSM phone. It was produced until 1994 |
![]() | Nokia 9000 Communicator-The first smartphone series, driven by an Intel 386 CPU |
![]() | Nokia 7110-The first mobile phone with a WAP browser |
![]() | This phone featured a full QWERTY keyboard in 2001 |
![]() | Nokia 7650-This was the first Nokia set to feature a built-in camera and was featured in the movie Minority Report |
![]() | |
![]() | Nokia 6630-The first cell phone to allow for global roaming |
![]() | iPhone and iPhon 3G-The original iPhone was released in June 2007 |
Last Updated on Tuesday, 12 April 2011 16:36