Ipinagbabawal ng ating batas ang RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang anumang importasyon, pagbebenta, pagpapakalat, transportasyon ng mga dangerous drugs (kagaya ng heroin, morphine, opium, cocaine, marijuana, shabu, ecstacy) sa kahit na anong dami at uri o kalidad, maging lahat ng uri ng opium poppy, ito man ay sa floral, decorative at culinary purposes.
Habambuhay na pagkakabilanggo hanggang kamatayan at fine na nagkakahalaga ng P500,000.00 hanggang P10,000,000.00 ang maaaring ipataw sa mga taong lalabag sa batas na ito.
Dahil ditto, ang lahat ng mga establisimento ay binibigyan ng babala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) maging ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na itigil na ang importasyon, pagdidistribute, pagbebenta at transportasyon, maging paggamit ng poppy seeds at mga produktong nagtataglay ng Poppy Seeds.
Sino mang tao na magdadala sa bansa o nangangalaga ng mga Poppy Seeds para sa personal na gamit ay pinapayuhan na itigil na ang paggamit nito at sila ay binibigyan ng derektiba na isurender ang mga items sa PDEA LABORATORY SERVICE o saan mang malapit na PDEA REGIONAL OFFICE.
Maging ang mga local officials nationwide ay hinihikayat ng ahensya na imonitor o ireport sa malapit na FDA o PDEA office ang anumang aktibidad na kahalintulad ng importasyon, pagbebenta, paggamit, pagdistribute at tranportasyon ng nabanggit na produkto. Information Officer III Mary Ann Mahilom-Lorenzo // Arlene P. Mariposque
