Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: ANONG RESORT SA CALAMBA ANG DAPAT PUNTAHAN?

  • PDF
User Rating: / 5
PoorBest 

Umpisa na naman ng summer vacation. Umpisa na naman ang pagdagsa nga mga kababayan natin sa ipinagmamalaking mga hotsprings resorts sa Calamba. Silipin natin kung anong mga public swimming pool resorts ba ang magdudulot sa atin ng relaxation sa ating bakasyon.

SUN CITY

Ang Sun City ay isang Mexican-inspired na resort na may mga facilities at amenities na sakto para sa pagrerelax.  Meron silang malalaking mga estatwa ng dinosaur at mga kastilyo na swak para sa mga bata. Meron silang lugar para sa bilyar, table tennis, basketball at videoke.

Marami ang nagpupunta rito tuwing weekends at peak season dahil sa kababaan ng kanilang rates, mula entrance hanggang mga table at cottage.  Kung ang hanap niyo ay mura at enjoy na pool. Sakto ang lugar na ito. Subalit dahil nga overcrowded  madalas ang lugar na ito hindi ito rekomendado sa naghahanap ng relaxation. Dahil rin sa seguridad, hindi sila madalas nagpapasok ng grupo na puro lalaki.

 

Monte Vista Resort

Ang Monte Vista ang masasabing isa sa best resort na makikita sa Laguna dahil sa dami ng pool, facilitites at amenities ng lugar. Madali pang puntahan ang lugar dahil along national highway at isang oras at kalahati lang na drive mula Manila.

Mayroong halos 15 hotspring pools sa loob na resort na binabalikan ng mga customer nito. Well-maintained rin ang mga facilities at araw-araw rin ang pagpapalit ng tubig.

Affordable din ang rates ng Monte Vista na nagbibigay pa ng diskwento sa malalaking grupo. Abot-kaya rin ang mga cottages at mayroong mga nakakalat ng mga telebisyon na pwede mong panooran. May mga kwarto rin na fully-furnished kung saan mayroon cable television, refrigerator, air-conditioner at mga muwebles.

Napakarami ring amenities ng resort kung saan maaari mong ma-enjoy ang arcade games, billiard, table tennis at karaoke. May in-house restaurant rin sa loob, ang Max’s Restaurant. May maliit na tindahan rin sa loob kung saan makakabili ka ng pagkain, inumin at maging souvernirs.

 

LA VISTA

Isa rin itong kilalang resort na puntahan tuwing weekends. Mayroon rin itong malalaking slides at mga exhibits na mga hayop sa mga swimming pool nito.

Mayroon ring magandang pasilidad ang lugar tulad ng conference room.

Kung relaxing at hotspring ang hanap niyo, maganda itong puntahan subalit ngunit hindi praktikal kung bitin ang budget. Mataas ang rates nila sa mga kuwarto na umaabot pa sa mahigit isang libong piso.

 

88 Hotspring Resort

Isa rin sa tinuturing na pinakamagandang resort sa siyudad ng Calamba ang 88 Hotspring Resort. Ito ay nakatayo sa paanan ng Mount Makiling at malapit rin sa Laguna de Bay na sakto sa isang relaxing experience.

Sa resort na ito, ang mga outdoor spa ay nakakalat sa sampung outdoor pools na mayroong magagandang landscape at pinapaligiran ng mga palm at coconut trees. Mayroon ring souvenir shop, louge at restaurant ang resort.

Isa rin sa patok sa loob ng resort ay ang mga massage huts at outdoor bars. Para naman sa mga bata, maaaring magswimming, horseback riding, animal petting, fishing at iba pa.

Nabigyan rin ng award ng Department of Tourism bilang Best Resort of Laguna ang lugar kaya isa ito sa dapat maging choice puntahan ng mga taon. Siguradong sulit ang anumang badyet mo sa isang masarap na bakasyon.

 

CUYAB

Isa rin ito sa pinakakilala at pinakamatandang resort sa Calamba. Ang pangunahing atraksyon ng Cuyab ay ang malakas na daloy ng hotspring sa lugar. Pinaniniwalaang nakapagpaganda ng daloy ng dugo, nakakapagtanggal ng sakit ng katawan at nagbibigay ng positive human psyche ang tubig sa Cuyab.

Puntahan rin ito ng mga taong may maliit na badyet subalit gusting mag-enjoy. Mura rin ang renta sa mga cottages at tables. Marami ring pagpipilliang swimming pools mapabata man o matanda.

Kung tradisyonal at relaxation ang hanap, isa rin ito sa mga dapat puntahan.

 

GRANDBAY RESORT

Ang may pinakamalaking swimming pool sa Laguna, ito ang Grandbay Resort.

Bukod sa kanilang 1,350 sqm swimming pool, mayroon din silang Giant slide, Kiddy slide, Medium size Hot spring pool, kiddy pool, aircon rooms, Fan rooms, Pool Front room, tables, bilyaran, videoke, playground at lugar para sa mga aktibidad ng grupo o mga espesyal na okasyon tulad ng kaarawan, baptisms, weddings o kahit na company outings.

Isa sa mga pinakamahusay na bahagi ng resort ay ang kanilang mainit spring swimming pool na ay kilala sa relaks at detoxicate aming mga katawan habang enjoying ang tubig.

Ito resort sa Laguna maaaring maglaman ng 2,000 katao.

Malaking lugar at mababang rates ang panlaban ng Grandbay Resort sa kanilang mga kakumpetensiya. Medyo luma na nga lang ang mga kagamitan at pasilidad subalit sakto pa rin para sa kasiyahan ng pamilya.

 

Riverview Resort

Wala man sa Barangay Pansol, isa pa rin sa pinakapatok lalo na sa mga pamilya at barkada ang Riverview Resort sa Parian, Calamba City.

Mayroon silang hotel, restaurant, conference rooms, duckpin bowling lanes,free wi-fi, bilyaran, table tennis, giant slides, laudry service at mga swimming pools. Maraming aktibidad ang maaaring gawin sa loob ng Resort at Conference Center na ito.

Sapat rin sa badyet ang rates dito na aabot lamang sa humigit-kumulang isang daan kada tao. Mabenta sa mga barkadahan ang lugar na ito kahit may pagkamahal ang mga alak at pagkain sa loob ng resort.

 

Yamaguchi Resort

Isang resort na pag-aari ng Pilipina at kanyang asawang Hapon. Matatagpuan ito sa loob ng Solemar de Pansol Subdivision.

Maliit ang resort subalit elegante ang facilities at maraming amenities ang inooffer. Mayroon silang malaking pool at giant whirling slide. Relax ring tingnan ang magandag view sa labas ng resort. Mayroon silang malaking dining area kung saan libre ang paggamit sa gas stove at refrigerator.

Hindi masyadong pinupuntahan ng tao ang lugar kaya sakto ito para sa mga gusting magpahinga.

 

Doña Jovita Resort

Kung relaxation at green environment ang gusto mong Makita, sakto sayo ang Doña Jovita Resort.

Isa rin ito sa medaling makitang resort dahil sa atraksyon nito sa labas na may giant overflowing pot. Kadalasang nagagamit sa mga okasyon ang resort na ito.

Marerelax ang mata mo sa mga halaman at mga hayop sa lugar. Mayroong napakalaking puno sa gitna ng resort kung saan mabubusog ang mata mo sa ganda ng kalikasan. Mayroon ding estatwa ng Snow White and the Seven Dwarfs na ikasisiya ng mga bata. Mayroon din silang Mediterranean Resort Area na maaring pasukan ninuman. Maari ring rentahan ang rooftop nila sa rate ng P2800-3500.

Mayroon din silang grotto na pwedeng akyatin. Pagdating mo sa taas ng grotto ay makikita ang halos kabuuan ng siyudad pati na rin ang Laguna Lake.

 

Luisa Ridge Resort (Bato-Bato)

Popular pa rin sa tawag na Bato-bato ang Luisa Ridge. Makikita rin ang kagandahan ng kalikasan sa lugar sa mga matatayog na puno rito.

Madali lang matagpuan ito dahil sa lawak ng façade nito na nakaharap rin national highway. Dito madalas pumupunta ang iba’t ibang pamilyang upang i-spend ang summer getaway nila. May dalawang private pool sa loob, basketball court, arcade, function rooms, at mahigit 40 private rooms.

Medyo tumaas na nga lang ang mga rates nito nang i-acquire ng may-ari ng La Vista Pansol ang lugar.

 

Southwinds Resort

Kung ayaw mo makipagsisiksikan sa Sun City o Monte Vista, magandang opsyon puntahan ang bagong tayong resort sa tabihan nito, ang Southwinds Resort.

May malaking building sa loob na ito na pinupuno ng maraming kwarto. Hindi pa talaga tapos ang resort na ito subalit binuksan na nila ito para sa publiko. Maarin ng gamitin ang mga pools, tables at hotel rooms dito. May kiddie pool din na mayroong slide.

Kung bagong resort pool ang gusto mong puntahan, maari mong subukan ang malaking resort na ito.

riverview

pools


 


Last Updated on Thursday, 07 April 2011 06:09

Comments  

 
+2#4Maricar2011-11-15 03:14
Quoting sharon:
actually galing kami sa suncity last 2 days...OMG.. disappointed ako kasi pangit pala maganda lang sa internet picture...saka ang mga staff sa labas ang haharot ang bagal na..nakakainis


-oo nga mam ang panget ng tubig dun ang kati sa balat maakit ka sa una kasi mura pero pag dating sa loob gusto mo na din agad lumabas [censored] wont stay and relax kasi ang sikip at d maganda ung resort i recommend [censored] go and check the old resort that has more credibility kasi naggamit yung iba ng chlorin at ang panghi ng tubig ;-);-)
Quote
 
 
+2#3kyle2011-11-15 03:10
kaka galing lang namin sa outing i enjoyed swimming sa cuyab hot spring resort 60pesos lang ang entrance at 3 phases meron sila sa phase 1 yung original hot spring nila isang malaking pool na pwede ka magpamasahe sa tubig then phase 2, dalawang pool at may slide sobrang init din ng tubig pwede gawin warm magrequest l;ang then sa phase 3 ang lamig ng tubig apat ang pools nila meron din oudor shower na free flowing bukalpati mga pools nila free flowing at namangha ako kasi everyday pala sila nagpapalit ng tubig every 5pm makikita mo talaga na nililinis at ang sarap ng pakiramdam kapag nasa pool ka na nila nakakarelax at malinis na malinis ang tubig at kapaligiran kahit matagal na e na maintain nila ung ganda. may mga rooms din sa phase na may pool sa loob cable tv at ref. :-) maganda sa cuyab akala ko pang matanda pero ako mismo nagenjoy ang babait pa ng staff nila thank [censored] and for sure this coming summer kayo ang babalikan namin more power to cuyab hot spring resort :lol::lol:
Quote
 
 
-2#2vanessa2011-10-19 15:43
hi! gudeve! anyone know any contact numbers of resort yamaguchi ? we’re interested to rent that resort but the numbers stated in other site were not right...we want to know the rate kindly pm me or email at archangelnessa@yahoo.com
hoping for [censored]r immediate response...thank [censored]
Quote
 
 
+3#1sharon2011-05-01 12:56
actually galing kami sa suncity last 2 days...OMG.. disappointed ako kasi pangit pala maganda lang sa internet picture...saka ang mga staff sa labas ang haharot ang bagal na..nakakainis
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh