Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

UNEMPLOYMENT RATE, TUMAAS

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Kabi-kabila na naman ang mga graduation rites, subalit nangangamba ang mga fresh graduates kung may pupuntahan ba silang mga trabaho matapos ang ilang taong pagsusunog ng kilay sa paaralan.  Nitong Enero lamang ay naglabas ang National Statistics Office ng report patungkol sa unemployment at underemployment rate sa bansa.  Batay sa statistics, 7.4% ang unemployment rate sa bansa nitong Enero ngayong taon. Halos tatlong milyon ang walang trabaho samantalang 7.1 milyong tao naman ang underemployed. Hindi pa kasama sa bilang ang mga magsisipagtapos ng kolehiyo ngayong kwarto na tantiyang halos 500,000 kabataan.  Pinangangambahan din naman ng mga newly-grads na baka bumagsak na naman sila sa mga call center companies dahil sa kawalang aksyon ng gobyerno sa isyung ito.

 

Ayon naman kay Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino, dahil sa kakulungan ng trabaho ay nagsisiksikan ang daang libong walang trabaho para sa 50,000 bakante sa mga BPO companies. Isa pang nagiging opsyon ng mga bagong graduates ay ang mangibang bansa upang doon magtrabaho.  Batay naman sa pag-aaral ng Ibon Foundation, tatlo sa bawat sampung bagong graduates lamang ang nakakahanap ng trabaho. Mahigit kalahati naman sa mga unemployed nating kababayan ay nabibilang sa edad 15-24 na taon.  Sa kabila ng mga pangakong milyong trabaho ng gobyerno ay hindi naman ito kinagat ng ilang senador tulad ni Sen. Tito Sotto. Sinabi niya na sa isang milyong trabaho pinapangako ng gobyerno, kasama doon ang mga casual at kontraktwal na manggagawa na agaran ding nawawalan ng trabaho sa bawat limang buwan.  Pangako naman ng palasyo na tutugunan nila ang isyung ito kasabay na rin ng pagtaas ng inflation rate sa mga bilihin.

 

Sa taong ito tinantiya na nasa 7.3% ng mga Pinoy ang unemployed, mula sa CIA World Factbook. Tayo ang ika-79 na bansa na may mababang employment rate sa mundo.--Matt Palentinos


jobs

 


Last Updated on Thursday, 07 April 2011 05:27

Add comment


Security code
Refresh