March 30, 2011/SP Function Room-- Sa isang pulong ng Committee on Housing ng Sanggunian Panlungsod ay pansamantalang ipinatigil ang contruction ng Phase 2 Housing Project (Relocation Area) sa Barangay Kay-Anlog, Calamba City. Ito ay sang-ayon sa reklamo ng BARC (Barangay Agrarian Reform Council) Chairman ng naturang barangay, na sa sitwasyon ng ginagawang Phase 2 ay nangangamba ang mga residente ng Phase 1 na maaring maulit ang nangyari sa mga kabahayan sa lugar noong isang taon. Matatandaang nawasak ang mga bahay dito noong nanalasa ang bagyong 'basyang' bunsod ng kakulangan ng sapat na pag-aaral sa proyekto.
Sa ocular inspection na ginawa ng mga opisyal ng Barangay, nakita nilang malaki ang posibilidad na kung magkakaroong muli ng bagyo o kahit malakas na pag-ulan, sa Phase 1 dadaloy ang tubig mula naman sa Phase 2, dahil sa may kababaan ang lupa sa Phase 1. Bukod sa isyu ng kaligtasan, ay kasama ring mapipinsala ang kanilang kabuhayang mga taniman ng gulay kung babahain muli ang mga taga-Phase 1. Naging kwestiyonable din ang kakulangan ng mga dokumento o clearances para sa Phase 2 Project, gayong nasa bahagi na ang developer ng pagtatayo ng bahay.
Related Articles:
