Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ANTI-RH BILL MARCH, GINANAP SA CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Kasabay ng malaking protesta ng CBCP sa Quirino Grandstand nitong Marso 25, mahigit isang libong parokyano ng simbahan ang nagmartsa dito sa Calamba upang tutulan ang RH Bill.

Naglakad mula St. Joseph the Worker Parish sa Canlubang hanggang St. John Parish Church sa Poblacion ang mga sumali sa martsa.

Pinangunahan ni Fr. Rene Eriga ng St. John Parish Church at ng mga kasama niya sa vicariate ng Calamba ang Walk for Life. Si. Fr. Eriga rin ang Social Action Director ng Diocese of San Pablo.

Nagsagawa rin ng magkakahiwalay na programa sa mga lungsod sa Laguna kabilang ang Sta. Rosa, Biñan at San Pablo. Nanguna naman dito si Bishop Leo Drona at nagbigay pa siya ng mensahe sa ginawang pagtitipon sa San Pablo City.

Ang mga dumalo ay nagbasa rin ng kanilang resolusyon laban sa kontrobersiyal na RH Bill. Hinihikayat nila ang mga lokal na pulitiko sa probinsya upang manindigan para sa buhay, particular si Gobernador ER Ejercito at ang mga alklade sa apat na lungsod dito.

Sa ngayon, ay nakuha na nila ang suporta nila Cong. Dan Fernandez (1st District, Laguna), Congw. Ivy Arago (3rd Distict, Laguna) at Cong. Edgar San Luis (4th District, Laguna. Hanggang sa kasulukayan, wala pa rin sagot si 2nd District Cong. Timmy Chipeco sa hiling ng simbahan.


reproductive health

Photo from mytopfiveonline.com

Add comment


Security code
Refresh