Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: SA PAG-ABSENT NI CONG. TIMMY

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 

Paano ba titimbangin kung ano ang mabigat?

Ito palagi ang dilemma ko noong panahong nasa kolehiyo pa ako kapag inaatake ako ng katamaran sa pagpasok sa klase. Sabi kasi ng propesor ko, timbangin ko daw kung ano ang mas matimbang at iyon daw ang piliin ko. Kung ang pahinga ba ang tunay na kailangan ko ay pwede daw akong lumiban pero kung kailangan kong lagyan ng laman ang ulo ko ay kailangan ko naman daw pumasok.


Nitong Marso 21, ginimbal tayo pero hindi naman talaga na tayo nagulat sa pag-impeach ng Kongreso kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Mahigit dalawang taon rin ang inabot bago naging matagumpay ang Impeachment case laban kay Ombudsman. Si Ombudsman ang taga-usig sa ating mga magigiting na mga pulitiko, malibang sa mga impeachable officials.


Kagulat-gulat rin ang inabot na suporta ng YEA (YES) votes sa gabing iyong. Umabot sa 210 votes na naging 212 votes pa nang biglang bumaligtad sa second roll call sina Congressman JV Ejercito ng San Juan at Abi Binay ng Makati. Overwhelming na tinambakan nila ang NAY votes ng Arroyo Clan and others na nakakuha lamang ng 46 na boto sa kabuuang 285 na Representatives. Apat lang naman ang nag-abstain kung saan kontrobersiyal ang naging paliwanag ni Cavite Representative Lani Mercado-Revilla.


Anong koneksyon nito sa mga pinagsasabi ko sa umpisa?...

Malaki. Bilang isang residente ng Second District of Laguna, do I (we) feel represented? Sa panahong nagtipun-tipon ang napakaraming Congressman sa loob ng Batasan para talakayin ang isa sa pinakamahalagang isyu sa panahon ngayon, ano ang naging boto ni Congressman Timmy Chipeco? ABSENT!


Wala siyang statement o anuman kung nasaan siya ng gabing iyon. Hindi natin alam kasi hindi rin naman siya active sa Facebook at Twitter. Isang prominenteng representante rin ang umabsent sa panahong iyon at siya si Cong. Manny Pacquiao ng Saranggani na tumanggap rin ng mga batikos. Una dahil absent siya at pangalawa dahil sa pagsabi niyang NO ang boto niya kung pumasok man siya sa kanyang Twitter Account. Sa kabila ng ganitong mga batikos, positibo kong tinitignan ang ginawa ni Pacquiao dahil kahit papaano ibinoses niya ang boto niya. Ang negatibo nga lang ay kung tunay bang iyon ang boses ng mga taga-Saranggani.


Nanonood ako sa telebisyon habang ginaganap ang impeachment votes. Tila masarap pakinggan kung ang nahalal nating mga opisyal ay magsasalita sa mic at sasabihing, “The District of Blah-blah Province votes Yes for the impeachment of Omb. Gutierrez.” Sa nilabas na survey ng SWS, 52% ng mga Pinoy ang gusting ma-impeach si Gutierrez. Malinaw kung ano ang boses ng taumbayan pagdating sa survey na ito.


Ang Second District of Laguna ay pangwalo sa may pinakamalaking populasyon na distrito sa bansa. Nais pa nga nila itong hatiin sa tatlong distrito dahil sa dami ng tao. Hindi naramdaman ng mahigit 700,000 na nakatira sa District 2 ng Laguna si Cong. Timmy  dahil absent siya. Siguro mabigat ang dilemma na pinagdaanan niya para lumiban.


Hindi tuloy maalis ang mga tanong sa isip ko kung bakit absent siya. Bakit absent si Cong. Timmy kung nakapasok naman ang tatlo pang Congressman sa Laguna, na lahat pa ay bumoto ng YES? Bakit absent si  Cong. Timmy kung nakaya ngang pumasok ngpinakakilalang madalas lumiban sa session na si Congressman Jules Ledesma? Bakit absent si Cong. Timmy kung hindi naman niya itong normal na ginagawa? Bakit sakto sa gabing iyon ang pag-absent niya?


May mga nag-iisip tuloy na siguro dahil sa dami ng kaso ng tatay niya, si Calamba City Mayor Jun Chipeco sa Ombudsman kaya siya umabsent na lang. Maspinili niyang lumagay sa neutral at kalimutan muna ang mga naghalal sa kanya para hindi maapektuhan ang kaso ng kanyang tatay. Nawala ang esensya ng pagiging representante niya ng mga tao.


Hindi iba ang pag-absent natin sa ating paaralan sa pag-absent ng mga mambabatas natin sa mga mahahalagang sesyon. Parehong malaki ang mawawala sa pag-absent natin. Ang pagkakaiba nga lang, masmaraming tao ang magiging disappointed sa mga mambabatas nating mahilig umabsent dahil sa dami ng kanyang constituents. Ang pagiging Representative ng isang distrito ay hindi usapin ng kung ano ang pampersonal mong nais o boto subalit kung ano ang tunay na boses ng kanyang sinasakupan.


Sana next time, kapag may ganitong mabibigat na isyu may marinig akong, “The Second District of Laguna is favor/infavor for this important issue.”--- Pinpin Tolentino


1congress

 

 

Calambeño Blog is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.ph



Comments  

 
+1#1skolar ni CONG.2011-03-29 11:21
dapat po talaga ay maipaliwanag nya qng nasaan sya ng mga araw n iyon ng kanyang pagliban sa kongreso.sapat po ay mayroon tayong representative upang may partisipasyon tayo sa naturang event. sana lang po. tama po si MR./Ms. PinPin Tolentino (**ndi ko alam gender nya eh, sorry.)

---->
Sana next time, kapag may ganitong mabibigat na isyu may marinig akong, “The Second District of Laguna is favor/infavor for this important issue.”
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh