Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: Facebook Syndrome

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Sa panahon ngayon, napakarami talagang naaadik na sa facebook..mapamatanda, mapabata basta marunong maglog-in sa mga social networking at ang gamit na gamit nga ay ang Facebook. Alam naman natin na may advantages din na magkaroon ka ng facebook account dahil:

  • Una, kahit yung classmate mo ng elementary, naisesearch mo at magugulat ka na lang na magkakilala pa rin kayo.
  • Pangalawa, Kahit hindi kayo mag-reunion, alam nyo na ang itsura ng isat-isa sapamamagitan ng pagtingin sa picture.
  • Pangatlo, malalaman mo kung ano na ba ang status ng crush mo o matagal mo ng minamahal na hindi mo masabi dahil torpe ka.
  • Pang-apat, pwede mo isave ang picture na gusto mo.
  • Pang-lima, pag naiinip ka, pwedeng mag-games..matututo kang magtanim, magluto, mag-alaga ng kung anu-ano at the same na may kunwaring pera.

Pero alam naman natin na may dulot na nakakabahala kung gagamitin natin ang Facebook sa hindi tamang paraan. At kung minsan ay nagiging dahilan ng facebook Addiction o sa pagkakataon na nagiging sakit na ito na tinatawag na Facebook Syndrome.

 

Paano ba malalaman kung ikaw ay isang Facebook Addict?

Una, Pag may computer ka sa bahay,dahil sa pagchecheck mo sa notifications, nalelate ka sa school o trabaho mo..o kaya ay napupuyat dahil sa paggamit nito.

Pangalawa, Naalala mo ang account mo kapag ikaw ay naka-offline.

Pangatlo, Napapansin ng mga kamag-anak mo at mahal sa buhay ang labis na paggamit mo ng internet para lang maiopen ang paborito mong social network.

Pang-apat, Gusto mong bumili ng wi-fi cellphone, para kahit saan pwede mong i-open ang iyong account basta wi-fi zone.

Pang-lima, You get stressed kapag hindi ka nakakagamit ng internet o hindi mo nai-oopen ang iyong account na para bangbalisang balisa na hindi mo mabasa ang maghinihintay mong comments.

Ngayon alam mo na…

Ang tanong….Maari ba na ang ganitong klaseng pagka-adik ay maiayos?

Ang sagot…oo

 

Pano ba maiaayos ang behavior ng mga Facebook Addict?

Una, Aminin mo sa sarili mo na ikaw ay adik sa facebook.

“Adik nga ako sa facebook”.

Ngayong aminado ka..magagawan na natin ng paraan ang pagka-adik upang ito’y malabanan.

Pangalawa, Pilitin mong magkaroon ng limit time sa paggamit ng internet para hindi ka matukso na magiging babad sa pag gamit nito.

Hindi ko sinasabi na madaling gawin ito. Actiolly, gugugol tayo ilang panahon para mabawasan natin ang paggamit ng internet. Iplano mo na pagkabasa mo nito, kung gagamit ka ngayon ng internet, kung dati ay gumugugol ka ng 5 oras ay babawasan mo ng isang oras. At sa paglaon ng mga panahon, marirealize mo na saglit ka na lang gumamit ng internet.

Pangatlo, Gumawa ng ibang bagay.

Magplano ka na bigyan mo ng panahon ang ibang bagay katulad ng Basketball pag ikaw ay lalake at Volleyball kung ikaw ay babae o maaring inside games ang pagkaabalahan mo katulad ng chess, word factory at Scrabble. Ito ay makakatulong pa physically and mentally.

Pang-apat, iTurn –off ang iyong mga notification sa iyong email-add.

Email notifications are like little red devils na dumadating at tumatabi sayo at bumubulong na buksan mo ang iyong Facebook. Dahil naiintriga ka kung bakit ganun ang comment nya. So, turn off email reminders.

Pang-lima, Block the site….kung gusto talaga natin na mabago ang ating klase ng pamumuhay.


Sounds like na nagbibiro ako pero seriously….may mga ganitong tao..hope na hindi ka isa sa mga may facebook syndrome na…


Submitted By: Ellaine Esguerra

 

facebook

PHOTO SOURCE: nowsourcing.com

Add comment


Security code
Refresh