Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

50 MILYONG PISO, KAKAILANGANIN PARA SA CALAMBA COMMERCIAL INSTITUTIONAL & RECREATIONAL COMPLEX

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


Halos nasa 5 milyong piso ang ipinanukala ng tanggapan ng Punong Lungsod  sa Sanggunian para sa pagpapatayo ng pinakamalaking estatwa ng Pambansang bayani Dr. Jose Rizal bilang pag-alaala sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan nito, na siya namang kinuwestiyon ng ilang sa mga konsehal.  Ayon kay Konsehal Niño Lajara, tila masyadong malaki ang halagang ito gayong hindi naman isang National Artist ang gagawa ng naturang proyekto.  Sa isang pulong ay inilahad ng Committee on Appropriations ang kakailanganing halaga para sa pagpapatayo ng Calamba Commercial, Institutional and Recreational Complex.  Nasa humigit kumulang sa 50 milyong piso ang diumano ay aabutin para maisagawa ang malaking pagawaing ito kabilang ang monumento ni Dr. Jose Rizal na tatanghaling pinakamataas na bantayog sa buong Pilipinas.


Sa naunang pag-uusap, ayon kay Konsehal Lajara, naimungkahi na isang National Artist ang magdidisenyo at lilikha ng naturang bantayog.  Karapatdapat lamang para sa pagpaparangal  isang dakilang Calambeño, ay isang  pambansang alagad ng sining naman ang dapat na lumikha nito.  Dagdag pa ni Lajara na kung hindi naman national artist ang gagawa, bakit tila lubhang mataas naman ang 5 milyong piso.   Nilinaw din ni Lajara na sang-ayon siya na bigyan ng pinakamataas na pagkilala at pagpaparangal ang ating pambansang bayani lalo na mula sa mga kababayan nito sa Calamba, subalit, kahilingan niya na sana ay masusi pang pag-aralan kung karapatdapat ang mga inilahad na halaga ng naturang proyekto para matiyak sa mga mamamayan  na hindi ito maging isang proyektong mababahiran ng konstrobersiya pagdating ng araw.

 

Sa huli ay nagawang ibaba ng Sanggunian Panlungsod ang naturang 50 milyong budget sa 40 milyong piso para sa proyekto.



 

jose rizal

Last Updated on Friday, 18 March 2011 07:16

Add comment


Security code
Refresh