Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ANG PAGBUHAY SA BARANGAY AGRARIAN REFORM COUNCIL(BARC)

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 


Nitong Pebrero 10, ipinatawag ng Komite ng Agrikultura sa pangunguna ni Konsehal Christian Niño Lajara ang mga bagong opisyal ng barangay Agrarian Reform Council sa Calamba. Isang malaking hakbang para sa pagpapatuloy at pagpapabantay sa pagpapatupad ng repormang agraryo sa Lunsod.

 

Ano ang BARC?

Ang BARC o Barangay Agrarian Reform Council ay magiging katuwang ng komunidad para maging matagumpay ang pagpapatupad ng Comphensive Agrarian Reform Program. Ito ay tutulong sa implemetasyon ng pagkuha at pagbibigay ng mga lupa, pagpapaabot ng mga tulong at resolusyon sa mga nangyayaring agawan ng mga lupa.

Sa ilalim ng Executive Order 229, Republic Act 6657 o ang CARP Law of 1988, ay tutugon ito sa iba’t ibang gawain.

Una, ito ang gagabay ang magpapatupad ng land transfer program sa komunidad. Sila ang tutulong sa paghahanap ng mga benepisyaryo at mga land owners sa loob ng barangay. Sila rin ang magpapatunay na lehitimo ang mga kuwalipikadong benepisyaryo. Tutulong rin sila sa pagpapatotoo ng lupang sinasakan at sa determinasyon ng halaga ng lupa para sa benepisyaryo.

Sila rin ang mamamagitan sa nangyayaring tunggalian sa pagitan ng mga magsasaka at may-ari ng lupasa pinakamadaling paraan para maiwasan na umabot pa ito sa mga outside entities katulad ng korte. Kasama sa maaari silang mamamagitan sa agrarian dispute katulad ng panahon ng panunungkulan at usaping pinansiyal. Sila rin ang pwedeng maghatol tungkol sa mga panloloko sa identipikasyon ng mga benepisyaryo.

Sila rin ang titingin kung natutugunan ba ang mga pangangailan ng mga benepisyaryo. Dapat rin nilang tulungan ang mga benepisyaryo na makautang sa mga lending institutions.

 

Reactivating BARC

Ayon sa hepe ng MARO-DAR Mrs. Rosalinda Rivera, dati nang may BARC Federation kaya lang ay hindi ito naging epektibo hanggang matapos ang kanilang mga termino. Dagdag pa niya na hiniling niya sa dating mga opisyal ng BARC na maging aktibo subalit humingi ang mga ito ng allowance dahil wala silang natatanggap na suweldo. Subalit hindi agad ito natugunan dahil sa kakulangan ng badyet ng ahensya.

Wala ring pondo ang Lokal na Agriculture Department para sa BARC dahil ang naka-allot raw na budget nila ay eksakto lang sa FARMCI at CAFCI. Hindi rin daw nila sinasama ang BARC sa allowance dahil magkahiwalay naman daw ang Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform.

Ngayon lang mangyayari  na i-accredit ng Sangguniang Panlungsod ang BARC. SA CARP Law of 1988 ay mga agricultural barangays lang ang maaaring magkaroon ng BARC Chairmen subalit sa CARPER Law o RA 9700 ay maaari ng magkaroon ng BARC Chairman ang lahat ng barangay, maging ang mga Poblacion barangays. Ne-extend na rin ang kanilang mga termino na mula dalawang taon ay tatlong taon na ngayon mula sa bagong batas.

Naging bukas na rin sa pagkakataong ito ang Liga ng mga Baranggay ng Calamba upang direktang tumulong sa BARC Chairmen. Ngayon, inaasahan ng Sangguniang Panlungsod na makapagpadala ng sulat ang BARC kung saan nakalagay ang mga hiling nilang allowance, kasama ang mga seminars at trainings na maaaring ikondukta ng grupo.

Sa ngayon, kabi-kabilang lugar na ang muling bumubuhay sa BARC sa bansa. Ilan rito ay ang Davao, Cebu, Aurora, at Negros Occidental. Bahagi ang BARC ng organizational structure ng DAR kung saan ang Presidential Agrarian Reform Council ang nasa pinakaulo ng istruktura.

 

Pasasalamat ng BARC

Malaki ang pagpapasalamat ng BARC sa ginawang pagkilala sa kanila ng Sangguniang Panlungsod. Lalo na at malaki na ang posibilidad na isama na sa supplemental budget ang honorarium ng mga BARC Chairmen.

Sinabi ng BARC Chairmen Federation President Norberto Masaredo na mga bayani ang kanyang mga kasamahan dahil sa tuloy nilang pagtanggap sa kanilang mga posisyon sa kabila na walang kasiguraduhan sa suweldo at purong trabaho lang.

Malaking hakbang ang ginawa ito ng Sangguniang Panlungsod ng Calamba para sa pagpapatuloy ng repromang agraryo sa loob ng lungsod. Hanggang ngayon may malaking usapin sa lupa sa loob ng Barangay Canlubang.

Inaasahan na matugunan ng BARC ang kani-kanilang mga Gawain sa kanilang barangay.


farmer

Add comment


Security code
Refresh