Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: Ang Pag-Veto ni Mayor...

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

 

Nitong huling araw ng buwan ng Pebrero ay inilabas ang veto message ni Mayor Chipeco hinggil sa City Ordinance No. 496 ng Sanggunian Panlungsod.  Ito ay ang pagtutol sa pagpasa ng nasabing ordinansa sa bisa ng Local Government Code of  1991 (RA 7160), bilang punong ehekutibo ay nagbibigay ng kapangyarihang i-veto ang ordinansang pinatnugutan ng Chairman ng Committee on City Planning and Zoning Konsehal JM Manaig na nagbibigay ng Locational Clearance at Development Permit sa Avida Parkway Settings Nuvali Subdivision na nasa Barangay Canlubang.  Kung ito ay ganap na ipinatupad, ito ay mangangahulugan ng dagdag na dagok sa kaawa-awa ng kalagayan ng mga dating manggagawa ng Canlubang Sugar Estate.  Matatandaang hindi na mabilang na demonstrasyon at pagpipiket ang ginawa ng grupong ito upang iparamdam sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan lalo sa PunongLungsod ang kanilang kalalagayan na tila itinuturing silang mga squatter sa lupang ito na kanilang kinagisnan at alam ng kasaysayan na pinagyaman ng kanilang mga magulang.  Kung kaya’t ang mga ganitong balita sa biglang tingin ay “tila” mabuti.


Sa biglaang pag-iiba ng simoy ng hangin ay hindi maiiwasang makapag-isip ang isang tulad kong nakasubaybay sa kwento ng Canlubang.  Bago ang Ordinance 496, marami ng Development Permit ang naaprubahan ng Sanggunian Panlungsod at maluwalhating nilagdaan ni Mayor.  Kung kaya’t ang tanong ay ano ang nagpapihit upang sa ngayon ay tila panig yata ang PunongLungsod sa mga taga-Canlubang?  Sa Veto Message ni Mayor Chipeco, isinaad niya na ang rason sa pag-veto ay dahil sa mga ulat na nakakarating sa kaniyang tanggapan hinggil sa reklamo ng mga tenants o magbubukid sa Canlubang, kung kaya’t pansamantalang ibininbin ang pag-apruba dito para makaiwas sa mga rally.  Matatandaang  naghain ng kaso ang Koalisyon ng Canlubang laban sa Mayor hinggil sa diumano ay pakikipagsabwatan nito sa mga Developer dahil sa pag-apruba nito sa mga permit ng mga kumpanya.  At nitong nakaraang linggo lamang ay nagpiket ang nasa 300 residente ng Canlubang dahil sa kawalan ng serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar.  Sa dami ng isyu at kasong kinakaharap ni Mayor Chipeco (at sa mga bali-balitang suspendido na daw ang Punong lungsod) hindi natin masisisi kung palamigin muna ang sitwasyon.  Subalit paano na kung malamig na?  Back to square one ang mga pobreng taga-Canlubang?  Madali namang muling buhayin ang Ordinansa sa Sanggunian at aprubahan na ng mayor.


Ang isang batas na patuparin sa isang siyudad tulad ng ordinansa at resolusyon ay kinakailangang pagtibayin muna sa Sanggunian Panlungsod bago ito aprubahan sa tanggapan ng Punong Lungsod.  Ang Ordinance-496 gaya ng iba pang mga naunang katulad nito na nagbibigay ng Development Permit sa mga higanteng kumpanya sa Canlubang, ay dadaan muna sa kamay ng ating mga konsehal.  Ang mga ganitong klase ng ordinansa  na patungkol sa mga land development ay sakop ng Committee on City Planning and Zoning na kasalukuyang nasa ilalim ni Konsehal Jose Morel Manaig.  Sa aking pagmamasid sa mga sesyon, kung hindi ako nagkakamali ay sa tuwing tatalakayin ang mga aplikasyon para sa Development Permit sa Canlubang ay palagiang 11-1 ang boto.  Labing-isang konsehal ang pabor laban sa isang objection o pagtutol ni Konsehal Christian Niño Lajara.  May mga pagkakataon pang sa mga privileged speech ay sinisikap ni Lajara na hikayatin ang ibang konsehal sa samahan siya sa panig ng mga magbubukid ng Canlubang, at palagi rin namang nananatiling 11-1 pa rin ang boto pabor sa mga higanteng Developer gaya ng Ordinance-496.  Papaano kayang pag-aaral ang ginagawa ng Committee on City Planning and Zoning na tila nalilimutan yata na pangunahin ang kapakanan ng mga mamamayan sa lahat ng mga aaprubahang batas?  Palagi na lamang bang isasangkalan ang “the price of progress”? Kanino kayang progreso ito?  Hindi ba dapat progreso ng mamamayan ang dapat unahin (at ang mga apektadong pamilyang taga Canlubang ay mga taga-Calamba din naman)?  At sa pag-veto ni Mayor sa ordinansa ng City Planning and Zoning Committee, hindi ba ito nagpapakita ng kakulangan nito ng tiwala sa komite?


Sa mga inilabas na pahayag ng grupo ng mga magbubukid ng Canlubang ay nililinaw nila na ang kanilang kahilingan sa lokal na pamahalaan ay bago sana aprubahan ang mga proyekto ng Land Development ay iresolba muna ang mga nakabinbing isyu sa lupa sa barangay na ito.  Tulad ng isyu kung ang lupang Canlubang ba ay pang-industrial, residential o agricultural.  Hanggang ngayon ang lupa sa Canlubang ay suitable para sa gamit-agrikultural, sa katunayan ay magpahanggang ngayon ay marami pa rin ang mga nagtatanim dito. Sagana sa mga puno ng saging, niyog at iba pang mga gulay ang lupa dito at mayroon pa ring irrigation o patubig. At kung ang lupa ay agrikultutral, maaari itong masakop ng CARP.  Batay din sa kasalukuyang Local Zoning Ordinance ay naka klasipika ang lupa sa Barangay Canlubang bilang “Multiple Use” na ang kahulugan ay maaaring gamitin ang lupa pang-industrial, residensyal o agrikultura. Layon ng ordinasang ito noong taong 2000, na nakasaad sa Calamba Land Use & Development Program (CLUDP) ng Calamba, na ang uri ng lupa ang siyang magdidikta kung ano ang kaukulang gamit nito. Kung ang isang lupa ay mapag-alaman, matapos na mapag-aralan ng mga concerned government agencies, na hindi na ito suitable taniman ay saka pa lamang ito maaring matayuan ng mga gusali o ma-develop para sa residensyal na gamit. Subalit kung ang lupa naman ay mataba at suitable para taniman, ang gamit nito ay para agrikultural.


Nakalulungkot nga lamang isipin na tila bingi ang ating mga opisyal sa kanilang sigaw.  Kinakailangan pang pumunta sa mga hukuman para ilaban ang kanilang usap, na para sa tulad nilang mahihirap ay napakabigat na dalhin.  Bukod sa laki ng halaga sa mga abugado at mga pag-aayos ng kaso, ay kasama rin ang mga banta sa kanilang buhay.  Matibay ang kanilang tindig na ito ay para sa kanilang kinabukasan.  Panawagan lamang ng sektor na ito na sana sa mga hindi lubos na nakauunawa sa kanilang ginagawang pakikipagbaka ay huwag sana silang husgahan.


Kung anoman ang maging kalalabasan ng “Canlubang Saga”, sa huli ay dalawa lamang ang ating mapatutunayan...Ang isa ay kung sino ay may tunay na malasakit sa tao at ang ikalawa ay kung sino ang mga nagpapakunwari lamang.---Juan Masipag

 

banga

 

 


Disclaimer: CALAMBEÑO BLOG is devoted to blogs/articles coming from visitors.  Opinions/comments/views from visitors' articles does not reflect the opinion/comments/views of Calamba.Ph

 

Last Updated on Wednesday, 02 March 2011 17:07

Comments  

 
0#1jhayem castro2011-03-10 00:37
:sad: nkklungkot isipin n ang binoto ng mga tga canlubng pr sa mayor at konsehal ng calamba ay iiwan din sila s huli,lubos ang aking pag hihinagpis sa mga taong mpag smantala,makasarili,mka hayop at asal demonyo lalo n si june chipeco pti n ang kanyang mga halipores n mga asal demonyo..n wlng pkielam sa mga taong canlubang n kung saan yun ang nag luklok s knya sa kalagayan nia ngayun... :D ako n may msya sa kbilng banda dhil may iilang tao prin n nag mmlskit sa mga tga canlubang lalo sa mga mhihirap n mag ssaka,lubos ang aking passlamt kay KONSEHAL niNO Lajara sa kbila ng kanyang katayuan ay dprin nia nkklimutan ang mga taong nangangailangan ng tulong.lalo n ang mga tg canlubang..lubos din akong nag ppslmt sa kanyang butihing AMA n itinuturing ko pring AMA,kuya,kaptid kaibigan at nag iisang MAYOR ng clamaba kgg.SEVERINO 'BINOY' LAJARA.
lubos n nag ppslmt at gumagalang
jhayem castro of sitio locomotive
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh