Isang sinasabing clandestine laboratory na gawaan ng shabu ang ni raid ng PDEA dakong 3:00 ng hapon nitong February 25, 2011 sa Lipa City Batangas kung saan ito ay nalansag ng PDEA. Ayon kay Regional Director Jeffrey A. Bangsa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Director General/Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr, operatiba ng PDEA CALABARZON, sa koordinasyon galing sa PDEA Special Enforcement Services, Intelligence Investigation Service, ICON, PDEA Laboratory Service, PNP AIDSOTF at Lipa Police Unit sa bisa ng binigay na search warrant ni Hon. Judge Amor A Reyes, Executive Judge of Regional Trial Court (RTC) Branch 21 Manila laban kay alyas Benjie Ang.
Ang operasyon ay isinagawa sa #1834 Yokohama St., Sakura Executive Village, Brgy Marawoy, Lipa City Batangas. Sinabi pa ni Director Bangsa na si alyas Benjie Ang, ay isang Chinese national na nakatira sa Lipa City Batangas, Laguna at Quezon, 40-45 taong-gulang, kasal sa isang Filipina na myembro ng local chemist ng drug syndicate "HONG SHI PENG GROUP" nag ooperate din dito probinsya at Pampanga.
Nakumpiska sa pinangyarihan ang mga gamit sa pag gawa ng droga at mga paraphernalias . Ang mga narekober na ebidensya ay nasa kamay na ng PDEA Laboratory at ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165. // Arlene P. Mariposque
