Bureau of Internal Revenue (BIR) kauna-unahang kick off !!!
San Pablo, City--- Ginanap ang kanuna-unahang Tax Campaign kick off ng (BIR) Bureau of Internal Revenue sa SM San Pablo City, Laguna nuong February 21, 2011 sa pamumuno ng RDO no. 55 na sina Ms. Carmelita Estolas, Assistant RD Ms. Marina de Guzman, nanduon din ang ibat-ibang Regional District Officers ng ibang bayan upang saksihan ang programang ito. Naging panauhing pandangal si Commissioner of Internal Revenue Hon.Kim S.Jacinto-Henares, Hon. Amben Amante City Administrator ng San Pablo City,Hon. Angelica Jones -Alarva Board Member of3rd District. Layunin nito na mas mapalago pa ang kabuhayan ng mga mamamayan sa ating bansa, dahil alam naman natin na sa buwis nakuha ang ating pamahalaan upang makapagbigay ng pondo sa bawat may kailangan nito. Mabigyan ng tamang paglilingkod ang lahat ng nasunod sa tamang pagbabayad ng buwis kung kaya’t ang Motto nilang BUWIS MO PARA SA BAGONG PILIPINAS ay upang sundin ang sinabi ng ating Pangulo Pnoy na walang korupt, walang mahirap. Layunin din nito ang pag ibayuhin na mapaganda pa ang patakaran mismo ng BIR, nais din nilang ayusin at siyasatin ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis at maaring silang sampahan ng kaso kapag napatunayan na hindi nila sinunod ang batas na dapat sa pagbabayad nito.
2 Patay sa Motor habang ang isa nasa kritikal pa ring kondisyon !!!
Dakong alas 12:00 ng madaling araw nitong February 23, 2011 sa may Brgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna, ang mga biktima na sakay ng Honda Wave ANF100 MC bearing plate nr PQ-5901 habang nagmamaneho at binabagtas nila ang crossing Maharlika Hi-way, bigla na lamang aksidenteng nabangga sila ng isang Ford E150 bearing plate nr VEZ 900 kung saan sakay ang suspek at drayber nitong nakinilala na si Marcelito Abella y Obien , 39 taong-gulang, may asawa, empleyado at nakatira sa Nr 19 Jaboneros St., Tayabas City, Quezon habang tinutungo ng suspek ang direksyon papuntang Tiaong, Quezon. Ayon kay Psupt Leonard L. Luna Chief of Police ng San Pablo City Station at sa tulong ni Pssupt. Gilberto dc Cruz, Laguna Police Director. Ang mga biktima na sina Aflan de Leon y de Villa, Andrew Kim de Leon y de Villa , at Melody Pangilinan, nasa tamang edad at pawang nakatira sa Brgy San Lucas, San Pablo City, Laguna. Dinala ang mga biktima sa PPL Hospital para gamutin subalit ang 2 sa mga biktima ay patay na ng idating ayon sa Attending Physician dahilan sa matinding tama nito at sugat sa katawan at ang isa naman biktima ay dinala sa ibang hospital para sa kaukulang lunas. Ang Labi ng dalawang (2) biktima ay dinala sa ACE Funeral Homes para iautopsy. Ang suspek ay nahaharap sa kasong pagpatay ng dalawang ulit at pisikal na pinsala sa mga biktima.
Nasagasaan habang natawid !!!
Cabuyao, Laguna--Patay nga ang biktima ng idating sa ospital ayon kay Chief of Police ng Cabuyao na si Psupt. Dante Novicio dakong alas 12:30 ng umaga, February 23, 2011 sa Brgy Banlic, Cabuyao, Laguna. Ang suspek na nakilalang si ALexander Chung y Law , 23 taong-gulang , binata at nakatira sa Nr 25 Rosario Vill, Brgy Sala, Cabuyao, Laguna ay nagmamaneho ng NISSAN Pick-up bearing plate nr UTD 798 ,at habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada, ang biktimang kinilalang si Graciano Badilla y Calacio, nasa hustong gulang, may asawa at kasalukuyang nakatira sa B-19, L-8 Kapayapaan Village, Brgy Cabuyao, Laguna ay tumatawid ng sandaling iyon ay bigla na lamang siyang nabangga ng sasakyang minamaneho ng suspek at nagtamo nga ang biktima ng ibat-ibang sugat sa katawan at dinala agad ito sa Ospital ng Cabuyao, Cabuyao, Laguna para lunasan subalit ilang sandali lang ay dineklara itong patay na ayon sa Attending Physician dahil sa matinding sugat na tinamo ng biktima sa katawan nito. Ang sasakyan ay nasa kostudiya ng Cabuyao at ang suspek ay nahaharap sa kasong homicide.
Submitted By: Arlene Mariposque
