
Nagsagawa nga ngayong araw na ito February 26, 2011 ang pagpili sa mga kandidata mula sa 45 na lumahok ang magic 24 ay napili na, nagsimula ang kanilang screening 8 ng umaga ngayon, nagsagawa sila ng isang casual wear, sportswear at nag fashion show na sinaksihan ng mga kawani ng Turismo, mga kamag-anak ng kandidata at mga hurado. Napakalaking pagdiriwang ito para sa pagdating ng June 19 kung saan ay ipagdiriwang ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal at sa ika 10 taong pagkakatatag ng lunsod ng Calamba, isa lamang ito sa proyekto ng City Tourism Office na pinamumunuan ni Mrs. Nieva bilang head nito at ang mga staff ng Dept. of Tourism.
Ang hurado ay nahirapang pumili dahil sa marami ang maganda at may potential para maging BB. Calamba, nagkaroon din sila ng question at answer upang ang mananalong BB. Calamba ay hindi lang maganda kundi matalino pa. At talagang pwedeng ipagmalaki ng bayan ng Calamba.//Arlene P. Mariposque








Comments
RSS feed for comments to this post