Sampaguita Festival sa San Pedro,Laguna, Tagumpay!!!
San Pedro,Laguna - Kilala ang bayan ng San Pedro Laguna na pinamumunuan ni Mayor Calixto Cataquiz sa mabango, kulay puting bulaklak na kung tawagin ay Sampaguita kapag nabanggit ang naturang bulaklak ay maiisip mo agad ang bayan ng San Pedro Laguna kung kaya’t may programang sila dito, taon-taon nila ito ipagdiriwang ang sikat na sikat at dinarayong San Pedro Sampaguita Festival. Ang kanilang prorama ay nagsimula nuong Feb. 18, 2011 hanggang Feb.22, 2011, isang lingong selebrasyon ang kanilang ginawa tulad ng pagkakaroon ng Sampaguita Mobile Passport , Talentadong San Pedronians, Parada ng mga eskwela, Artista vs Artistahin Basketball game, Street Dancing Competition, ibat-ibang float ng Manok ni San Pedro, youth sportsfest, at Sampaguita Splint triathlon, nagsagawa din ng prusisyon sa paggunita kay San Pedro bilang kanilang santo. Nagkaroon ng parang Flores de Mayo na dinaluhan ng mga kabataan, kalalakihan at kababaihan. May mga Brass Band Parade na dinaluhan ng mga ibat-ibang banda. Nagkaroon din ng inagurasyon ng GUAM Pediatric Ward sa may Brgy.Narra ang Gavino Alvarez-Lying in Center at GUAM humanitarian project sa may SouthVille 3A Brgy. San Antonio Center upang makatulong ng higit sa mga mamamayan ng San Pedro.Napakaraming taon ang dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ng naturang Sampaguita festival at dumalo din dito ang ibat-ibang Mayor galing sa ibang bansa, nanduon din at sumuporta ang lahat ng Brgy. Kapitan at konsehales ng bayan ng San Pedro, Laguna, kasama din ang mga empleyado ng munisipyo, mga mag aaral sa ibat-ibang eskwelahan, mga dayuhan nag nais na makita ang naturang festival. Punong-puno ng kasayahan ang pagdririwang na iyon. Bahagi lamang iyon ng kanilang pasasalamat sa buong Maykapal sa biyayang bigay sa bayan ng San Pedro. Nais lamang ng ama ng bayan ng San Pedro na si Mayor Calixto Cataquiz na mapaganda ang turismo sa kanilang bayan tungo sa ikauunlad pa nito.
Mga Drug addict huli sa Akto!!!
Binan, City –Nahuli kamakailan ng operatiba ng pulisya sa pamumuno ni Chief of Police ng Biñan na Psupt. Joel C.Pernito dakong 6: 30 ng hapon February 20, 2011 sa Sitio Umboy, Biñan City kasama ang mga operatiba na pinangunahan ni Police Station Inspector Francisco Barcala ay nahuli ang mga naturang suspek na kinilalang sina Rolly Arcega y Teodoro, 30 taong-gulang, binata, walang trababho at nakatira sa Brgy Casile, Biñan City; Franie Austria y diaz , 33 taong-gulang , binata, walang trabaho ; Sonny Austria y Osena, 33 taong-gulang , may asawa , walang trabaho at residente ng Brgy Maduya, Carmona, Cavite. Sa inisyal na report kay PSSUPT GILBERTO DC CRUZ, Laguna Police Director ang mga ito ay nahulihan ng mga illegal na droga nakita mismo sa kanila ang mga sachet na hinihinalang shabu, tooter, disposable lighter at aluminum foil ng mga oras na iyon ay aktwal pa nila itong ginagawa kung kaya’t lalong hindi na nila ito naitanggi. Ang mga ebidensya ay nasa pangangalaga na ng Regional Crime Laboratory Office 4A para siyasatin.
Pinagsaksak ng kapwa Katrabaho!!!
Cabuyao, Laguna – Bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek na si Leovy Valdez y Quesana, 29 taong-gulang, binata, kontraktor ng Blk 78 Lot 58 Phase 1, Mabuhay City, Brgy Baclaran, Cabuyao, Laguna ang kanyang katrabaho, batay sa inisyal na imbestigasyon ni Chief of Police ng Cabuyao Psupt. Dante Novicio dakong 9:45 ng gabi, February 20, 2011 sa Blk 64 Lot 18 Phase 1 Mabuhay City Brgy, Baclaran, Cabuyao, Laguna ayon sa salaysay ng biktimang si Nolan Gruta ang suspek ay bigla na lamang itong umupo sa tabi ng mga biktima, lasing at walang sabi-sabi at pinagsasaksak sila nito, ang isa sa biktima na nakilalang si Manny Mercado y Narvaez, 25 taong gulang , binata, kontraktor sa Phase 2 Blk 114, Lot 3, Mabuhay City, Brgy Mamatid, Cabuyao, Laguna, at isa pang biktima na nakilalang si Nolan Gruta y Campit, 38 taong-gulang,kontractor, may asawa at nakatira sa Phase 1, Blk 68, Lot 1, Mabuhay City, Brgy Baclaran, Cabuyao, Laguna. Ang mga biktima ay sinaksak sa tiyan at sila ay dinala sa Ospital ng Cabuyao, Cabuyao, Laguna para lapatan ng lunas . Ang biktimang si Manny Mercado y Narvaez ay namatay din ayon sa mga Doktor. Sa ngayon ang suspek ay pinaghahanap na ng kapulisan upang managot sa ginawang krimen.
ARESTADO SA KASONG PAGNANAKAW!!!
Sta. Cruz, Laguna – Isa na namang pinaghahanap ng batas ang nasakote ng mga pulis dakong 8:00 ng gabi nitong February 21, 2011 sa Sitio Gumamela, Brgy Bubukal, Sta Cruz, Laguna, kasama ang elemento ng pulis ng Sta. Cruz sa pangunguna SPO4 Proceso Joven, sa superbisyon ni by Chief of Police Sta. Cruz Laguna Psupt. Marvin Joe C. Saro at Pssupt. Gilberto dc Cruz, Laguna Police Director ay inaaresto ang suspek na kinilalang si Mark Cabaluna y Bautista , 31 taong-gulang, trabahador ng NIA Road, Brgy Tagapo, Sta Rosa City, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest na iniisyu ni Hon. Judge Iluminada Dela Peña ng RTC Br 28 Sta Cruz, Laguna sa kasoang pagnanakaw Under CC Nr SC-14417 maaaring magpiyansa ng halagang Php 100,000.00.
Submitted by: Arlene Mariposque

Comments
Jenny
RSS feed for comments to this post