Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Petisyon sa Korte Inihain laban sa City Permit and License Division

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Calamba City---Naghain ng petisyon sa korte si Konsehal Christian Niño S. Lajara laban sa City Permit and License Division ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba.  Ito ay dahil sa pagbalewala sa umiiral na Franchise Ordinance, ang City Ordinance No.  414-2008 “An ordinance Requiring All Persons, Partnerships, Corporations or Cooperatives to secure a franchise/permit from the Sanggunian Panlungsod for the Operations of Terminals, Markets, Shopping Centers and Like establishment and Prescribing Guidelines for its Issuance”.  Sa batas na ito ay kinakailangang kumuha ng prangkisa o permit mula sa Sanggunian bago makapag-operate ng terminal, pamilihan, at ang mga katulad nito sa lungsod ng Calamba.  Sa pagkakatayo ng SM City ay naging mainit na usapin ang kawalan nito ng kaukulang prangkisa na itinakda ng nasabing ordinansa.  Naging katanungan kung papaanong pinayagan ng Punong-Lungsod ang pagbubukas ng SM sa kabila ng hindi nito pagsunod sa itinakda ng ordinansa, samantalang ang ibang mga kumpanya naman sa Calamba ay sinisikap na kumuha ng prangkisa.

 

Ayon kay Lajara, bilang pangunahing may-akda ng Franchise Ordinance ay kinuwestiyon nito ang hindi pagkuha ng Prangkisa ng SM.  Noong ika-5 ng buwan ng Enero ng kasalukuyang taon ay lumiham ang kaniyang tanggapan kay G. Ibarra Encarnacion, Head ng City Permits and License Office, upang ipakansela ang aplikasyon ng SM para sa Business Permit alinsunod sa paglabag nito sa Ordinace 414-2008.  Subalit tumanggi ang nasabing tanggapan sa petisyon ng konsehal na ipatupad ang ordinansa.

 

Lumiham din ang konsehal kay Mayor Chipeco upang ipabatid ang nagawang pagkakamali ng City Permits and Licenses Division.  Subalit ito ay hindi sinang-ayunan ng mayor kung kaya’t napilitang maghain ng mandamus sa korte si Konsehal Lajara upang makaroon ng kalinawan ang isyung ito.

 

Dagdag pa ni Lajara na ang kaniyang Franchise Ordinance ay naglalayon pangunahin na maprotektahan ang mga lokal na industriya at negosyo ng mga Calambeño.  Ayon pa sa konsehal, sa kaniyang ordinansa ay makikita ang pagbibigay ng prayoridad sa mga mamamayan ng Calamba pagdating sa employment at ang magbibigay pagkakataon sa mga lokal na magsasaka na maging supplier sa mga magtatayong malalaking pamilihan.  Bagamat ikinalulungkot ng konsehal ang nangyayaring pagharang sa ganap na implementasyon ng kaniyang ordinansa ay umaasa pa rin ito na makikita ng kapwa Calambeño na sa kaniyang mga hakbang ay ang pagganap niya ng tungkuling tiyakin na pangunahin sa lahat ang interes ng taumbayan.


 

sm

Related Articles:

 

 

 

 



Last Updated on Wednesday, 16 February 2011 07:53

Add comment


Security code
Refresh