Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SAAN KA PUPUNTA SA ARAW NG MGA PUSO?

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Buwan na ng Pebrero at tinaguriang buwan ng pagmamahalan. Problemado pa rin ba kayo mga kababayan kung saan natin pwedeng dalhin ang ating mga mahal sa buhay?

Maraming mga lugar na puwedeng pasyalan at masarap na kainan ang nandito lang sa ating bayan. Hayaan ko kayong bigyan ng kaunting mga lugar at kainan kung saan nasa malapit lamang at swak sa badyet natin mga Calambeño.

Unang-una sa listahan ang pinagandang Baywalk sa Aplaya. Libre at walang entrance fee dito. Enjoy pa sigurado ang makakasama mo sa pagiging malapit sa kalikasan ng lugar na ito. Makikita mula rito ang kalakhan ng Laguna de Bay at ang Mount Makiling.

Pagkatapos mamasyal at magpahangin sa Baywalk. Maaaring kumain sa Halu-haluan sa Aplaya kung saan ang pagkain ay mura na at masarap pa. Kung pasok naman sa badyet, isang sakay lang din ay makakarating na sa Crossing kung saan nagkalat ang malalaking mall. Kung nais mo naming ituloy ang pagrerelax sa magandang view, doon lang din matatagpuan ang Beanstalk Coffee Shop. Kung gusto niyo anman ng masarap na pasta at sandwiches, maaari ring yayain ang inyong mahal sa Café Olivia. Ito ay matatagpuan sa Baranggay Halang at madali lamang itong Makita dahil nasa tabi lamang ito ng Hi-way. Simpleng date pero makabuluhan at siguradong mamahalin kayong lalo ng inyong partner.

Kung medyo adventurous naman ang trip niyong gawin, bakit hindi niyo i-try ang pagpunta sa Baranggay Canlubang kung saan makikita ang Matangtubig. Ito ay isang flowing water source. Matarik ang lakarin pababa dito kung saan makikita ang isang falls. May matatagpuan rin ditong tila mga mata kung saan nanggagaling ang tubig. May masarap na kainan rin sa Canlubang at medaling hanapin lamang dahil kilala ito ng lahat ng tagadito. Ito ay ang tinagurian “Tatlong Butas”, tatlong maliliit na tindahan na nagseserve ng mga short order sa mababang halaga mula pansit, hamburger at mga ulam. Nakilala higit ang “Tatlong Butas”, dahil sa masarap nilang halo-halo. Mura rin naman at masarap ang mga pagkain sa mga pansitan malapit sa sabungan sa pagitan ng Lecheria at Halang. Tiyak hahanapin mo ang lasa at timpla ng kanilang pansit.

Doon naman sa Baranggay Paciano makikita ang isa pang kainan na kilala sa lahat, ito ay ang Aviles Bulalo. Kahit mga may-kaya ay hinahanap-hanap ang lasa ng bulalo ni Aling Leoning. Ito nga raw ang orig nilang tindahan. Kung Italian food naman ang gusto ng inyong kasama, subukan ang Shakey’s Pizza sa Paseo Uno de Calamba. Maraming tao palagi rito subalit ayos naman at siguradong masarap.

Ilan lamang ito sa mga suhestiyon na maaaring puntahan. Ang mahalaga naman sa huli ay ang pagmamahalan sa bawat isa ang dulot nitong kasiyahan sa iba niyo pang mahal sa buhay.---Matt Palentino

 


 

bay2

Last Updated on Tuesday, 15 February 2011 14:05

Add comment


Security code
Refresh