Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

SESYONISTA: "Light & Easy..."

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

sesyonista

February 7, 2011/Sanggunian Session Hall-- Light ang mood ng ating mga Konsehal at Vice Mayor nitong nakaraang sesyon. Umulan lamang ng pagsang-ayon sa mga resolusyon at ordinansa na pinasa ng mga miyembro ng Sanggunian.


Unang binasa ay ang pinagsanib na resolusyon nila Konsehal Ruth Hernandez at Moises Morales patungkol sa Memorandum of Agreement sa refurbishment ng Rizal Statue sa loob ng bayan. Ito ay parte pa rin ng pagdidiwang sa ika-150 kaarawan n gating pambansang bayani na si Jose Rizal. Sumunod dito ay ang pagbabasa ng accreditation ng dalawang people’s organization sa loon ng ating lungsod na ginawa ni Konsehal Lian Aldabe.


Sa pag-uumpisa ng taon ay kailangan ring ibigay ang budget ng ating mga Sangguniang Barangay. Para sa unang pagbasa, pinasok na ang budget ng mga barangay ng Mabato, Tres, Prinza, Singko, Kuwatro at San Jose. Nasa ikalawang pagbasa na naman ang budget ng mga barangay ng Makiling, Parian, Lawa, Dos, Sais, Mapagong, Uwisan, Barandal at Palingon na aabot sa kabuuang mahigit tatlumpung milyung piso.


Muli namang nabanggit ang resolusyon patungkol sa utilization ng pasilidad ng City Hall para sa ating Calamba City Employees Multi-purpose Cooperative sa pamamagitan ni Konsehal Christian Niño Lajara. Matagal nang hiling ng kooperatiba na mahawakan nila ang kantina sa loob ng ating city hall. Pinasok rin nila Konsehal Morel Manaig at Juan Lazaro ang mga resolusyon patungkol sa pag-acquire ng lupa ng LCBA para sa ating City Government at pagbabalik sa puwesto kay Rosseler Rizal sa DILG, ayon sa pagkakasunod.


Mahabang pagbabasa naman ng mga Barangay Resolutions ang ginawa ni ABC President Saturnino Lajara kung saan karamihan ng ating mga konsehal ay nagkuwentuhan at biruan na lang habang nagsasalita si ABC Pres na nauwi pa sa “May I go out” joke ni Kon. Morales kay Vice Mayor Severino Lajara na pabiro ring sinagot ng Presiding Officer na hindi puwedeng mag-CR habang nasa sesyon. Tinuro naman nila Kon. Bong Baroro at Peewee Perez na nauna nang gumamit si Kon. Niño Lajara nang hindi nagpapaalam.


Dalawang barangay resolusyon mula sa Barangay Uwisan ang binasa na parehong patungkol sa pagpapalakas ng isports sa kanilang lugar. Una ay ang paghiling sa pasilidad kagaya ng covered court sa kanilang barangay at ang sumunod naman ay ang resolusyon para lumiham si Vice Mayor Binoy Lajara kay Senador Franklin Drilon para suportahan nito ang pagpapagawa ng covered court sa nasabing barangay.


Sa patuloy na pagrereklamo ng mga negosyante, mamamayan at mga turista sa sira-sirang mga kalsada sa Pansol, isang resolusyon muli ang kanilang inihain upang gawin agad ang kanilang mga kalsada lalo’t higit na papalapit na muli ang summer vacation. Sa Brgy. 5 naman humiling ang Sangguniang Baranggay ng mga jetmatic at poso dahil sa kahirapan ng pagkuha ng tubig sa ilang bahagi ng kanilang baranggay. No Parking Policy naman sa buong kahabaan ng Bañadero ang bagong pinatutupad na ordinansa sa nasabing baranggay. Pagkatapos ng gagawing committee hearing, bawal nang magparada ng kahit anong uri ng sasakyan sa buong Bañadero kasama na ang Sitio Nayon sa mga oras ng 6-8 at 10-11 ng umaga at mula ika-4 hanggang ika-8 ng gabi.


Isang kahilingan naman mula sa Calamba Upland Multi-purpose Farmers Cooperative ang binasa ni Kon. Morales upang tugunan ng Pamahaalang Panlungsod ang gastusn sa kanilang warehouse na nasa Brgy. Bunggo. Dagdag pa nila na sa apat na baranggay pa lamang ay nakakapagproduce na ng 319 thousand tons ng palay ang ating lungsod. Iminungkahi rin naman ni Kon. Morales na ilipat ang signage ng ating City Hall sa mismong building nito. Mapapansin na nasa saradong Main entrance gate ang nasabing signage kung saan hindi ito madaling mapansin ng mga tao. Sinang-ayunan naman ito ng lahat n gating mga konsehal.


Tanging si Kon. Niño Lajara naman ang nagbigay ng committee report kung saan binanggit niya na magkaroon ng koordinasyon ang POSO para matugunan kaagad ang matagal na at lalo pang lumalalang traffic sa Brgy. Mayapa. Ang ordinansa naman para magtanim ng puno ang bawat estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang paaralan at komunidad na akda ni Kon. Bong Baroro para sa last reading.


Maganda ang mga mood ng ating Sangguniang Panlungsod sa mga nakalipas na public session. Kailan kaya nila muling tatalakayin ang mga mabibigat na isyu katulad ng relokasyon sa mga taga-riles, kurapsyon at ang mga serbisyong panlipunan sa Canlubang?--Matt Palentino


dsc08029

 

 

 

Add comment


Security code
Refresh