Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PAGDIDEKLARANG PROTECTED AREA NG MGA ISDA ANG 5-HEKTARYANG BAHAGI NG LAGUNA DE BAY, IPINASA SA SANGGUNIAN

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Isang ordinansa ang ipinasa sa Sanggunian Panlungsod sa ikatlo at huling pagbasa ang pagtatakda sa 5-Hektaryang sukat ng tubigang bahagi na saklaw ng Laguna de Bay, bilang pinangangalagaang lugar o protected area ng mga isda.  Ito ay inihain sa pamamagitan ni Konsehal Christian Niño Lajara bilang Tagapangulo ng Komite ng Agrikutura.  Layon ng batas na makatulong na maparaming muli ang mga isa sa lawa ng Laguna at mapasiglang muli ang pangisdaan para sa mga susunod na panahon.  Sa kasalukuyang sitwasyon ng Laguna de Bay ay nakakaalarma ang unti-unting  pagkaubos ng mga isda na dati ay sagana.  Dahil dito ay pahina na  ng pahina ang huli ng mga mangingisda na direktang nakakaapekto sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.


Alinsunod sa kautusang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

  • ·Ang panghuhuli ng mga isda sa ano mang paraan sa lahat ng idineklarang pinangangalagaang lugar ng isda sa bayan ng Calamba.
  • ·Ang magtapon ng anumang uri ng basura, dumi at iba pang kauri nito, gayon din ang pagtatapon at pagpapadaloy ng maruruming tubig na may taglay na dumi ng tao at ng hayop sa ilog, sapa at mga pampangin nito.
  • ·Ang magtapon at magpadaloy ng mga “industrial wastes” at mga pinagpalitang langis mula sa mga makina.
  • ·Ang pagkuha ng mga bato, graba, buhangin at iba pa sa nasabing lugar nang walang pahintulot ng Punong Lungsod at ng Sangguniang Panlungsod.  Ito ay liban sa ibang pahintulot na kinakailangan mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.
  • ·Ang paggawa ng ano mang istruktura sa nasabing lugar ng walang pahintulot ng Punong Lungsod at ng Sanggunian Panlungsod.
  • ·Ang paggamit ng idineklarang Pinangangalagaang lugar (Protected Area) ng mga isa bilang palanguyan ng mga hayop tulad ng mga itik, bibe, pato atbp.
  • ·Ang paglalagay ng iba pang uri ng isda sa idineklarang Pinangangalagaang Lugar (Protected Area) ng walang clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) o sa Tanggapan ng Panlungsod na Agrikultor


Ang lahat ng mga lalabag sa mga ipinagbabawal na nakasaad sa itaas ay may karampatang parusa tulad ng mga sumusunod:

  • Unang Paglabag-P1,000.00 multa o sampung araw na pagkakulong
  • Ikalawang Paglabag-P1,500.00 multa o pagkakulong sa loob ng di hihigit sa tatlong buwan
  • Ikatlong Paglabag-P2,500.00 multa at pagkakulong ng hindi hihigit sa anim na buwan o naayon sa itinakda ng hukuman.

Ang 50% na multa ay papasok sa kaban ng Lungsod ng Calamba at gayundin sa Barangay at ang nagmulta ay bibigyan ng kaukulang resibo.

 

 

Umaasa naman ang patnugot nito na si Kosehal Lajara na sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo ay mapangangalagaan ang ating kalikasan para sa magandang kinabukasan ng ating lungsod.


 

Laguna de Bay


Add comment


Security code
Refresh