Inaprubahan na sa Sanggunina Panlungsod ng Calamba ang resolusyong para sa pagsasagawa ng isang plebisito sa Barangay Tulo upang palitan ang pangalan nito sa "Milagrosa". Sa nakaraang sesyon ay nakapasa sa ikatlong pagbasa ang paglalaan ng pondong Php 1,154,000.00 para sa plebisito. Ang hakbang na ito ay sa inisyatibo ng Kapitan ng Barangay Tulo at ABC President Saturnino Lajara bunsod ng kahilingan ng maraming residente sa lugar na mapalitan ang tila di kaaya-ayang kahulugan ng ngalan ng kanilang barangay.

Comments
RSS feed for comments to this post