Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CANLUBANG COALITION, NAGBANTANG KAKASUHAN ANG SINOMANG OPISYAL NA BABALE-WALA SA KANILANG KARAPATAN

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Canlubang, Calamba City--Sa isang panayam sa mga magsasaka ng Canlubang ay ipinahayag nila ang kanilang pagkadismaya sa mga opisyal ng lungsod ng Calamba.  Ito ay dahil sa kawalan ng suporta ng mga ito sa kanilang kapakanan bilang mamamayan ng Calamba laban sa interes ng mga mayayamang negosyanteng ibig magdevelop ng mga subdibisyon sa Barangay Canlubang.  Sa kabila ng kanilang pakikipag dayalogo sa lokal na Pamahalaan ng Calamba upang mabigyan sila ng proteksyon sa nangyayaring mga land development sa Canlubang ay wala pa ring anomang pagkilos na nangyayari na panig sa interes ng mga magsasaka, manapa ay patuloy ang pag-apruba ng Punong Ehekutibo at ng Sangguniang Panlungsod sa mga aplikasyon ng mga malalaking developer para sa development permit samantalang walang anomang konkretong programa para sa mga apektadong pamilya.


Sa kasalukuyan ay naghain ang mga magsasaka ng isang kaso sa Ombudsman  laban sa Punong Ehekutibo Joaquin Chipeco, Jr. na Grave Abuse of Authority, dahil sa pag-apruba nito ng development permit sa kabila ng mga nakabinbin na petisyon at isyu sa korte hinggil sa sinasabing lupain.  At sa gitna ng tinatawag na “question of law” sa usaping ito ay may mga panibagong aplikasyon para sa development permit sa Sanggunian Panlungsod.


Sa puntong ito ay ipinahayag ng mga magsasaka ang kanilang panawagan na handa nilang gawin ang lahat upang ilaban ang kanilang karapatan sa usaping ito.  Nananawagan din ang samahan ng mga dating manggagawa ng Canlubang Sugar Estate sa mga konsehal na lungsod na patunayan sa bayan ang kanilang prinsipyong manindigan pangunahin sa interes ng maliliit na Calambeno.  BINIGYANG DIIN NILA NA HANDA NILANG ILABAN SA ANOMANG HUKUMAN ANG KANILANG USAPIN LABAN SA KAHIT SINONG OPISYAL NA MAGBABALEWALA SA KANILANG KARAPATAN.


 

Related Articles:

 


image0049

 

 




     

     

     

     

     

     


    Last Updated on Monday, 31 January 2011 15:14

    Add comment


    Security code
    Refresh