Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

Nambiktima ng negosyante sa Text, Nasakote

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 
Los Baños, Laguna – Batay sa report na binigay kay Pssupt. Gilberto dc Cruz, Laguna Police Director, ayon kay  Psupt. Chito Bersaluna, Chief of Police ng Los Baños, Laguna dakong 10:00 ng umaga nitong Enero 11, 2011, ang biktimang si Benjamin S. Partosa, 34 taong gulang, negosyante at nakatira sa Nr 33 Arty 2 C5, Brgy Talipapa, Novaliches, Quezon City nagpunta ang biktima sa Los Baños Municipal Police Station ay inuulat ang pambibiktima sa kanya ng mga suspek sa pamamagitan ng text scam (Budol-Budol) nagpadala siya sa mga ito ng dalawampu’t limang piraso ng (25) prepaid Smart at Globe cards nagkakahalaga ng tig- lilimandaang piso (php 500.00) at halaga ng pera na sampung libong piso (Php 10,000.00).

 

Ang mga suspek na sina  Paul Kevin Cabautan y Castro,  19 taong gulang, binata, walang trabaho; Edison  Paguio y TABUSO, 25 taong gulang at Jonel REecana y MAariano, 21 taong gulang , binata, walang trabaho, mga pawang nakatira sa Brgy Malinta, Los Baños, Laguna

 

Sa tulong ng Los Baños Police sa pangunguna ni SPO2 Elmer Joseph B Gibe, Chief Investigation Section at ni PSUPT CHITO G BERSALUNA, nagsagawa sila ng isang entrapment sa may  Smart Money Padala sa Crossing Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna na naging resulta ng pagkakadakip sa mga suskpek.  Nakuha sa kanila ang perang apat na libong piso (Php 4,000.00), 3 piraso ng Nokia Cellphone (N2100, N1208 & N3100) at isang  (1) sasakyan Honda XRM MC Bearing Plate Number 6411).  Sila ngayon ay nasa pangangalaga ng BJMP at kasalukuyang nahaharap sa kaso ng panloloko sa pamamagitan ng text. // Arlene P. Mariposque

 

Add comment


Security code
Refresh