Nasa kamay na ng PDEA ang nahuli kamakailan na mag asawa sa kasong droga batay sa ulat ni Director II Randy R. Pedroso, Regional Director, PDEA PRO4A kinilala ang mag asawa na sina Rene MAcaraig y Umali, 40 taong gulang, Medical Technician at Rachel Macaraig y Macatangay, 38 taong gulang kapwa residente sa Carandang St., Brgy Poblacion, Rosario, Batangas City ay inaaresto ng PDEA CALABARZON sa tulong ng operatiba at sa pangunguna ni (IO1) Investigator Officer 1 Michael S. Mercader sa bisa nang inihaing search warrant sa mga suspek dakong 7:00 ng gabi nitong Enero 21, 2011 nang ito ay dakipin.
Inaresto ang mag asawa sa isinagawang search warrant at natagpuan sa kanilang bahay anim na piraso (6) hinihinalang shabu at mga gamit paraperhnalia. Ang kalahating gramo ng shabu ay dinala sa laboratoryo ng PDEA sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna upang ito ay siyasatin . Sa ngayon ang mag asawa ay nasa kustodiya ng PDEA 4A at pansamatalang ikinulong upang sampahan ng kaukulang kaso. Ang kasong paglabag sa kautusang RA 9165 ang maaring kaharapin ng mag-asawa. // Arlene P. Mariposque

Comments
RSS feed for comments to this post