Nagcarlan, Laguna---Isang anak ng dating opisyal nang barangay ang inaresto kamakailan ng mga operatiba sa pangunguna ni I02 Ma. Wenalyn P. Burgos noong huwebes ng umaga Enero 6, 2011. Ang suspek ay kinilala ni Director ll Randy R. Pedroso, Regional Director ng PDEA PRO4A na si Jimmy Jovellano y Panaglima,43 taong gulang, may asawa , trysikel drayber at residente ng Nagcarlan, Laguna matapos ang masususing imbestigasyon. Si Jovellano ay inaresto at narekober sa kanya ang isang gramo ng shabu at mga gamit o paraphernalia na isinumite sa PNP Regional Crime Laboratory Office 4A, Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna para ito ay ianalisa at base sa pag-aaral na isinagawa ni PCI Donna Villa p. Huelgas, Forensic Chemist ito ay positibo sa Methamphetamine Hydrochloride.
Si Jovellano ay pansamantalang nasa pangangalaga na PDEA 4A para sa kinahaharap nyang kaso sa paglabas sa kautusan Section 11 at 12, Article II, RA 9165 na isinampa sa upisina ng City Prosecutor’s Sta. Cruza Manila.// Arlene P. Mariposque
