Calamba City---Ginanap ang ika-17 taong PNP Ethics Month at isa sa programa nito ay ang “Pulis ko teacher ko” na pormal ng sinimulan nitong Enero 10, 2011 sa Post Elementary School sa Camp Vicente Lim Calamba City, Laguna sa pangunguna ni Police Chief Superintendent Atty. Samuel D. Pagdilao Jr. Regional Director PRO4A, kasama ang lahat ng piling PNP upang sumuporta sa programang ito. Layunin nito na pagtibayin ang mga kabataan na magkaroon ng takot sa Diyos, maging responsable sa kanilang mga magulang at maging mabuting mamamayan sila sapagkat “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ito ang binanggit ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ang programang ito ay isasagawa sa buong CALABARZON kung saan ay magtatalaga sila ng isang oras kada isang lingo upang pag tuunan nang pansin ito. Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari sa ating mga kapulisan, sa ibang mga pulis na nadadawit sa kaso ay nais ni Pagdilao na maging mabuting ehemplo pa rin ang ibang kapulisan, nais nilang imulat ang mga kabataan partikular ang mga estudyante mula Grade 4-6 na maging handa sa mga dapat gawin at huwag matakot magsumbong sa mga alagad ng batas . // Arlene P. Mariposque

Comments
RSS feed for comments to this post