Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PROTEKSYON SA MGA BLOGGERS AT ONLINE JOURNALIST, IHAHAIN SA SENADO

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat makakuha na pantay na proteksyon ang mga bloggers at online journalist tulad ng mga regular na miyembro ng media.  Sa pamamagitan ng isang press statement, nais niyang isama ang proteksyon ng mga bloggers sa Senate Bill No. 455 na naglalayong proteksyunan ang mga mamamahayag.


Dagdag pa niya, gamit na ng modernong mga dyorno kagaya ng Philippine Daily Inquirer at Manila Bulletin ang internet para mabilis na makapaghatid ng balita. Iba’t ibang mga news organization at community papers ang naglalabas ng mga artikulo sa Internet.  Naging malaking isyu ito matapos makatanggap ng mga pananakot at intimidasyon ang nagtayo ng Wikileaks na si Julian Assange. Laman ng Wikileaks ang iba’t ibang impormasyon ng US Intelligence sa iba’t ibang bansa.


Kasama rin sa proposed bill na dapat makasama ang mga print journalists, television journalists, photojournalists, online journalists, radio journalists, novelists, screenwriters, playwrights, feature filmmakers, documentary makers, television production, professional photographers, professional videographers, at public relations contractors sa maaaring tawaging media practitioners.


miriam-defensor-santiago

Add comment


Security code
Refresh