Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO NAPILI BILANG JOSE RIZAL MODEL STUDENT OF THE PHILIPPINES

  • PDF
User Rating: / 0
PoorBest 

Kinilala ng Sangguniang Panlungsod si Dan Lester Suelto Mendoza, 19 na taong gulang,  matapos itong mapili bilang isa sa Ten Outstanding Jose Rizal Model Students of the Philippines, isang taunang patimpalak na ginagawa ng Order of the Knights of Rizal.


Ginanap ang contest sa Knights of Rizal Ceremonial Hall sa Maynila, na pinangunahan ni Sir Pablo Trillana III, Knight Grand Cross of Rizal supreme commander; Sir Emmanuel Cabusao, contest chairman, at special guest Former Supreme Court Justice Hilario Davide Jr. nitong nakaraang Araw ni Rizal.


Mula sa 17 finalists ay masusing sinala ang mga kalahok. Sinabi ni Mendoza na pinakamahirap na parte ay ang ginanap na final interview kung saan ito ang may pinakamalaking factor sa pagpili ng sampung pinakamahuhusay na estudyante.


Ang mga nanalo ay pinili sa pagpapakita ng academic excellence, student leadership, pakikiisa sa mga community programs, maayos na personalidad at sa final interview.  Sa pamamagitan ng isang resolusyon ni Konsehal Lian Aldabe ay pinagkalooban ng P20,000 si Mendoza. Hinayaan rin siyang makapagpasalamat at makapagsalita sa sesyon ni Vice Mayor Severino Lajara nitong nakaraang Lunes.


Lubos ang pasasalamat at pagmamalaki ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa tinanggap na karangalang ito ni Mendoza na mula sa Baranggay  San Cristobal.


awardee

Comments  

 
+1#3jasmine2011-06-19 12:12
:eek::D
Quote
 
 
+1#2chel2011-01-27 07:22
pwedeng makuha number nya? :-*
Quote
 
 
+1#1chel2011-01-27 07:12
hanep! galing!!! if i am not mistaken, graduate sya ng Canossa Calamba... :lol: keep it up! sana lahat ng taga-calamba ganito :lol:
in fairness may itsura sya! ;-)
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh