Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

IBA’T IBANG POLISIYA PINAALALA NG CSC SA MGA AHENSYA NG GOBYERNO

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 

Kabubukas pa lamang ng taon ngunit dalawang polisiya agad ang mahigpit na ipatutupad ng Civil Service Commission (CSC).

 

Una na rito ang pagiging mahigpit ng gobyerno sa pagtatalaga ng mga Career Executive Service Officers sa iba’t ibang  ahensiya ng pamahalaan. Malinaw na isinaad nila na maging mga regional directors ay mga CES positions.

 

Ito ay inisyatiba ng gobyerno upang lalong maging maayos at tiyak na magagaling ang manunungkulan sa ating gobyerno. Kabilang ang utos na ito sa unang Executive Order ni Pangulong Benigno Aquino III.

 

Naging matunog ang usaping ito matapos kuwestiyunin ng CES Board si Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta dahil siya ay isang non-CESO.

 

Isa pang pinaalalang polisiya ng CSC ay ang No Lunch Break Policy sa mga ahensya ng gobyerno na direktang nagbibigay-serbisyo sa publiko. Sinabi CSC Chairman Francisco Duque na ito ay maiwasan ang Red Tape sa mga tanggapan ng gobyerno.

 

Pinartikular ang mga ahensyang tulad ng Government Service Insurance System (GSIS), Philhealth, Social Security System (SSS), Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue(BIR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong mababang marka sa paghahatid ng serbisyo.


Sa ngayon, hindi pa ito napatutupad sa lungsod ng Calamba. Tanging ang Rehiyon ng Cotabato ang mahigpit na nagpapatupad nito sa bansa.

1csc

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Last Updated on Monday, 17 January 2011 06:12

Add comment


Security code
Refresh