Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: SUNUD-SUNOD NA PAGLAYA BAGO ANG KAPASKUHAN

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Halos magkakasunod pinalaya ang ilang prominenteng tao na nakakulong nang matagal na panahon. Ito ay nataon naman sa papalapit na pasko.

 

HUBERT WEBB et al.

Si Hubert Webb ang isa sa mga unang napalaya noong Disyembre 13 matapos ang labinlimang taon na pagkakakulong sa kasong rape at murder. Pinawalang-saysay ng Korte Suprema ang mga testimonya at kredibilidad ng star witness ng Vizconde Massacre na si Jessica Alfaro para tuluyang mapalaya si Webb at ang anim pa niyang kasamahan. Ang paglilitis sa Vizconde Massacre ay ang tinaguriang “Trial of the Decade”. Patuloy naman sa paghahanap ng hustisya si Lauro Vizconde para sa kanyang mga kapamilya.

 

MORONG 43

Matapos naman ng sampung buwan na pagkakakulong ay pinalaya na rin ang mga health workers na inakusahang mga miyembro ng New People’s Army o kilala sa tawag na Morong 43. Sila ay nahuli sa Morong , Rizal habang nagkakaroon ng Medical Training para sa kanilang pupuntahang mga barrio. Mga suporta naman sa iba’t ibang panig sa mundo para palayain ang Morong 43 ang umalingawngaw sa Administrasyong Arroyo at Aquino. Nitong Disyembre 10 ay naglabas ng utos si Pangulong Aquino para palayain ang mga health workers at nitong Disyembre 18 ay tuluyan silang nakalabas ng piitan.

 

GEN. CARLOS GARCIA

Matapos naman maghain ng guilty plea sa kasong direct bribery at paglabag sa Anti-Money Laudering Act ay pinalaya na rin ang kontrobersiyala na heneral. Si Garcia ay nakakulong mula pa noong 2005 matapos kasuhan ng pandarambong ng P303 milyong piso na pera ng militar. Isang kasunduan nang pagbabalik ng mahigit P100 milyon at P60,000 piyansa lamang ang hininging danyos ng Sandiganbayan upang mapalaya si Garcia. Tuluyang nakalaya si Garcia kahit may pagtutol mula sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.

 

SEN. ANTONIO TRILLANES III

Nitong Disyembre 21, pinalaya na rin sa wakas si Senador Antonio Trillanes matapos ang pitong taon. Si Trillanes ay may kasong kudeta. Ito ay isinagawa niya at ng kanyang grupong Magdalo noong 2003 sa Oakwood Hotel at noong 2007 sa Manila Peninsula. Ito ay protesta nila sa laganap na kurapsyon noong panahon ni Pangulong Arroyo. Si Trillanes ay nanalong senador noong 2007 at ngayon lamang nakalaya na siya tunay na makapagsisilbi sa tao.--Matt Palentinos

 


 

1free

Last Updated on Tuesday, 28 December 2010 04:18

Add comment


Security code
Refresh