Sa pangunguna ng Tutupad Ka Patriots Inc., sinimulan na ang Family Christmas Bazaar sa loob ng St. John the Baptist Pastoral Church sa Calamba na tatakbo mula Disyembre 16-22.
Iba’t ibang organisasyon at institusyon ang naimbitahan para sa nasabing bazaar. Ilan dito ay ang Department of Education, Calamba City Press Corps, Laguna College of Business and Arts, KLBP Partylist, Association of Young Journalist of Calamba at Ugnayang Kalikasan.
Ito ay may layuning palakasin ang komunidad sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga pamilya sa paskong ito. Iba’t ibang workshops at seminars rin ang ihahain araw-araw ng mga organizers, mula sa leadership, pinansiya at pagiging makadiyos.
Nabigyan rin ng pagkakataon na makapagtanghal ang iba’t ibang grupo ng kanilang mga sayaw at awit. Nauna na rito ay ang ginawang sayaw at awitin ng mga estudyante mula sa Calamba Elementary School at Calamba bayside national High School.
Inaanyayahan ang lahat na bumisita sa pinakamalaking bazaar na taon sa ating lungsod.

Comments
at kainan, sigurado naglipana ang magagandang dalaga!
RSS feed for comments to this post