Nagumpisa na ang ikalimang sportsfest nang City College of Calamba nitong Disyembre 16 at magtatapos nang Disyembre 21.
Sa pamamagitan ng parada ng mga estudyante at sa maikling programa kasama ang mga opisyal at Board of Trustees ng natatanging City Government-owned College dito sa Calamba, binuksan ang pagtitipon ng mga iskolar ng Calamba.
Sinundan agad ito ng Search for Mr. and Ms. Sportsfest na ginanap sa Arriola Court sa Brgy. San Jose. Nakatakda namang idaos sa iba’t ibang lugar sa Poblacion ang mga larong palakasan na pagtatagisan ng apat na departamento sa nasabing kolehiyo, ang Accountancy, Education, Computer Science at Information Technology.
Inaasahan naman ang pakiisa at pagiging maginoo ng bawat isa sa nasabing palaro. Pinaka-inaantabayanan ay ang cheerdancing competition na gagawin sa Disyembre 21, kung saan hawak ng Department of Education ang titulo sa loob ng huling tatlong taon.
