Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

E-Jeepney sa Calamba

  • PDF
User Rating: / 3
PoorBest 

BIlang pagsabay sa makabagong teknolohiya sa larangan ng transportasyon at ang pagbubukas ng  kamulatan sa kahalagahan ng pagprotekta sa ating kapaligiran ay ang unit-unting paglaganap ng mga sasakyang pinatatakbo sa pamamagitan ng kuryente.  Sa lungsod ng Makati ay pinangunahan ng ating Pangalawang Pangulo Jejomar Binay ang paglulunsad ng e-jeep noong taong 2007.  Mula rito ay ginagamit na ang e-jeep sa mga paaralan, industrial zones at ng mga local government units.  Ang pinaka-popular dito ay ang sampung units na bumibiyahe ng libre sa lansangan ng Legaspi at Salcedo Village sa Lungsod ng Makati.


Sa lungsod ng Calamba, sa pangunguna nina Engr. Jose R. Francisco at Engr. Mark Christian P. Plaza ng Colegio de San Juan de Letran ay sinimulan ang isang proyektong bumuo ng isang improved version ng kasalukuyang modelo ng e-jeepney at magamit bilang mass transportation sa lungsod.  Naniniwala sina Francisco at Plaza na magiging malaking kabawasan sa polusyon ng Calamba kung ang proyekto ay tatangkilikin ng mga Calambeño.  Dagdag pa rito na magiging kauna-unahan ito sa Laguna.


Ayon kina Francisco, kinakailangan ng suporta ng lokal na pamahalaan upang maging matagumpay ang simulain ito.


alt

photo by Greenpeace



 

Add comment


Security code
Refresh