City Agriculture Office Activities
- Monday, 13 December 2010
- Written by Calamba Super Administrator
Sa layuning mapasigla ang sektor ng mga magsasaka sa Calamba ay iba’t-ibang mga mahahalagang proyekto ang itinaguyod ng Tanggapan ng Agrikutura sa pakikipagtulungan ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod.
- Upang matulungang maitaas ang produksyon ng mga magsasaka ay nagpamahagi ng mga organic fertilizer at agricultural line sa mahigit isang libo at anim na raang magsasaka sa Calamba. Sa pamamagitan nito ay maitataas ang kita ng mga magbubukid.

- Nagsagawa ng Farmers’ Field School for Rice ang Tanggapan ng Agrikultura mula buwan ng agosto hanggang Nobyembre. Makabagong mga teknolohiya sa pagtatanim ng palay ang maipakilala sa mga magsasaka ng barangay Banlic, Uwisan at Parian.
- Nagsagawa rin ng Farmers’ Field School for Corn sa Barangay Burol noong buwan ng Agosto hanggang Nobyembre. Naging highlight sa pagsasanay na ito ang Integrated Pest Management.
Last Updated on Monday, 13 December 2010 08:00Add comment