Itinanghal na kampeon ang third year highschool student ng Laguna College of Business Administration (LCBA) na si Christian Nanola sa ginanap na 18th Shell National Youth Active Chess Championship-Kiddies Category na ginanap sa SM Megamall, Mandaluyong City. Si Nanola ay labing-apat na taong gulang na residente ng Barangay Banlic, Calamba City, Laguna. Ayon sa kampeon, ang kaniyang ama na si Mang Vicente ang nagsisilbing kaniyang inspirasyon at ito rin ang pangunahing humimok sa kaniya na maging manlalaro ng Chess.---Lloyd Anjail
