Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

ALAY LAKAD PARA SA KABATAAN

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

 

Sa ika-27 ng Nobyembre 2010, araw ng Sabado, sa ganap na ika-5 ng umaga ay magsisimula ang paghakbang para sa kabataan o ang tinatawag na Alay-Lakad "Hakbang sa Pagbabago, Alay sa Kabataang Calambeño" na magmumula sa Calamba City Plaza.

 

Sa pamamagitan ng mga donasyon o kontribusyon ng mga kalahok sa Alay-Lakad ay natutulungan ang mga out-of-school youth na makabalik sa pag-aaral at mabigyan ng pagkakataong matulungan ang kanilang sarili upang maging kapakipakinabang na mamamayan ng kaniyang komunidad.


Ang konsepto ng Alay Lakad ay nag-ugat sa "Walk for a Cause Project" Maynila noong taong 1972 sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development, Boy Scouts of the Philippines at Girl Scouts of the Philippines.  At dahil sa tagumpay nito ay ginawa na itong pambuong bansang proyekto sa tulong ng mga sibikong samahan tulad ng  Jaycees, Rotary, Lions at Kiwanis sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Department of Education.  Sa loob ng mahigit tatlumpung taon ay napatunayan ng Alay Lakad ang pagiging epektibong sangay para matulungan ang mga Out-of-School youth sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong pinansyal upang ang mga kabataang ito ay makapagpatuloy sa pag-aaral at maging kapakipakinabang na bahagi ng komunidad.  Bukod sa mga scholarship grants at trainings nito ay nagbibigay din ang Alay-Lakad Foundation ng suporta para sa mga proyektong pangkabuhayan.  Ilan sa mga matagumpay na livelihood projects nito ay Candle Making, Pedicab Project, Macro Enterprises, Ornamental Plant Propagation at Agricultural Project.

 

PALATUNTUNAN-ALAY LAKAD 2010

  • Doksolohiya---TEATRO SIBOL
  • Pambansang Awit
  • Himno ng Calamba---DEPED MALE CHOIR
  • Pagkilala sa mga Dumalo---PETER CAPITAN-CEO,PESO at CHRIS SANJO-PS-1
  • Sayaw Ehersisyo---DEPED, DARWIN RODRIGUEZ
  • Pambungad na Pananalita---EXEQUIEL A. AGUILAR JR.,Tagapangulo, Alay Lakad 2010
  • Pampasiglang Bilang---CVLNHS DANCE TROUPE
  • Mensahe---KGG. JOAQUIN M. CHIPECO JR., Punong Lungsod ng Calamba at KGG. JUSTIN MARC SB CHIPECO, Kinatawan, Distrito ng Laguna
  • Pampasiglang Bilang---PUNTA NHS & LCBA
  • Pagpapahayag ng Nagsipagwagi---ALELI JIMENEZ, CEO, Nutrition Office
  •  Raffle Draw                                                               
  •  Pampasiglang Bilang---CBNHS & E. BARRETTO NHS
  • Pagpapakilala ng ALFI Scholars---ROSS RIZAL, CEO-DILG
  • Mensahe ng Pasasalamat---MYRNA P. PAMPLONA,CESO VI, Tagapamahala ng Paaralan, Sangay ng Calamba

Mga Guro ng Palatuntunan:

  • ERLITO B. ORLINGA
  • LOURDES T. BERMUDEZ

alt

SOURCE: JCIPhilippines

Comments  

 
0#2lizhen2010-11-27 00:08
:lol: ka2tamad gumising ng ganang kaaga ..
pero aatend p din aq..
Quote
 
 
0#1nhad2010-11-26 10:24
:-x:lol::D:-);-)8):-|:-*:oops::sad::cry::o:-?:eek::zzz:P:roll::sigh:
maganda yan!
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh