Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

CALAMBEÑO BLOG: KABATAAN NG CANLUBANG, ALAMIN ANG KATOTOHANAN AT MANINDIGAN

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Natapos ang halalang pambaranggay at nalaman natin ang mga nanalo. Iba't ibang isyu ang bumalot sa resulta subalit marami naman ang tumanggap dito ng maluwag. Subalit pinakamainit na usapin isang araw matapos ang proklamasyon ng mga nanalo ay ang mainit na usapin sa nangyaring kapalaluan sa Sangguniang Kabataan. 

 

Binalot ng kontrobersiya ang Sangguniang Kabataan Elections sa mismong araw ng eleksyon na sinasabing naging masmadumi pa sa eleksyon ng matatanda. laganap ang pamimili ng boto sa halagang P200-P500 sa bawat botante. Mahigit sampung jeep ang dumating na bitbit ng isang SK Chairman candidate kung saan ang mga nakasakay sa jeep na iyon ay organisadong binababa. Aminado naman ang ilang mga kabataan na naabutan na sila ng pera bago pa lamang sumakay sa jeep. Reklamo rin ang ginawang pag-proxy ng mga hindi rehistradong kabataan sa mga rehistradong botante. 

 

Nang matapos ang eleksyon, dahil sa laki ng kalamangan ni Jane Celo bilang SK Chairman ay maaga ang pagconcede ng kanyang mga kalaban na sina Pao Villa at Mark Turingan. Anim na konsehal ni Celo ang nagwagi at isang konsehal ni Villa. 

 

Isang araw matapos ang proklamasyon, mabilis umugong ang balita sa usapin ng edad ni Celo. Ito ay nadiskubre ng kampo ni Pao Villa matapos may nagtip sa kanilang isang kaibigan. Nakasaad sa Certificate of Candidacy ni Celo na ang kanyang kaarawan ay September 16, 1995 samantalang sa kanyang facebook account naman ang nakalagay na kaarawan niya ay December 16, 1994. Ano ba talaga ang totoo niyang birthday? 

 

Nakakuha ng kopya ng Birth Certificate ni Arlan Jane Celo ang kampo ni Villa at ang kaarawang nakalagay doon ay DECEMBER 16, 1995. Samakatuwid, labing-apat na taong gulang pa lamang si Celo kung saan labag sa konstitusyon at sa Omnibus Election Code. 

"The Sangguniang Kabataan is the youth legislature in every local village or community. They are in the age bracket of 15 to 18 years old during the time of campaign and election."


Malinaw ring hindi ito pinahihintulutan ng COMELEC, batay sa kanilang resolution 9029 (http://www.comelec.gov.ph/2010%20Barangay_SK/resolutions/res_9029.html) . 

Candidates for Sangguniang Kabataan Chairman and Sanggguniang Kabataan Kagawad must be:

  • (1) Filipino citizens;
  • (2) At least fifteen (15) years old but less than eighteen (18) years old on election day;
  • (3) Able to read and write Filipino, English or the local dialect;
  • (4) Qualified members of the Katipunan ng Kabataan of the barangay where they intend to run for office and residents thereof at least one (1) year immediately preceding the election; and
  • (5) Must not have been convicted of a crime involving moral turpitude. 

 

Ito ay malinaw na paglabag sa ating batas. Malinaw na hindi maaaring tumakbo at manungkulan ang kabataang nasa edad 14 pa lamang. Ito ay sa kadahilanang mula ng kanyang pagfile ng COC ay hindi na siya kandidatong maituturing dahil hindi siya kuwalipikadong tumakbo. Isa ring mataas ng opisyal ng lungsod ang tumawag sa ama ni Pao Villa upang huwag nang ituloy ang reklamo subalit pursigido ang kampo ni Villa, kaisa ng Kilos Kabataan ng Canlubang ni Mark Turingan, para ituloy ang reklamo. 

 

Ito ay malinaw na panlilinlang sa mga kabataan at mamamayan. Hindi dapat natin hayaang babuyin ang pagiging sagrado ng ating mga balota. Maaari ring nagagamit lamang si Jane Celo ng ilang mga taong nais ng kapangyarihan. Kaya ngayon pa lamang ay dapat manindigan na ang mga nahalal na SK Councilors, Baranggay Officials at ang kabataan ng Canlubang upang sumama sa mga pagkilos na inihahanda upang pigilan ang pag-upo ni Celo sa puwesto. 

 

Huwag na nating hayaang maging bulag pa tayo at manatiling tahimik. Huwag nating hayaang magkaroon muli ng panibagong tatlong taon na walang nangyayaring aksyon at proyekto para sa kabataan. Sa kabila ng pananakot ng kasuhan ng libelo ang mga nagkakalat ng balitang ito ay matibay lalo silang sumasandig sa KATOTOHANAN at nanghahamon pang ituloy ang mga kasong ipinaparatang sa kanila. Ito ay hindi usapin nang kung sino ang natalo at nanalo.

 

Ito ay usapin na may NANDAYA SA KANYANG EDAD upang piliting makaupo sa puwesto. 

 

MAGKAISA PARA SA KATOTOHANAN, KABATAAN NG CANLUBANG!

ILAGAY SA PUWESTO NG SANGGUNIANG KABATAAN ANG NARARAPAT! 

  • -Alyansa Kabataan
  • -Kontra Katiwalian at Kurapsyon
  • -Kilos Kabataan ng Canlubang-Kabataang Lumalaban
  • -Kapayapaan Youth Organization
  • -Pag-asa at Maayos na Organisasyon ng Kabataan

 

--Matt Palentinos


alt

 

 

 

 


Add comment


Security code
Refresh