Sa bisa ng City Ordinance No. 414, Series of 2010 na nagtatakda sa pagkuha ng kaukulang prangkisa o permit mula sa Sanggunian Panlungsod ng mga Terminal at Pamilihan. Sa kasalukuyan ay napagkalooban na ng prangkisa ang mga terminal tulad ng Canlubang Terminal Xchange, JAC Liner, at KMPC. Ang aplikasyon naman ng Saint Rose Bus Terminal sa Crossing ay nasa ikatlong pagbasa na sa susunod na sesyon ng Sanggunian. Pinapayuhan naman ang pangasiwaan ng iba pang transport terminals at mga pamilihan na kinakailangan na silang kumuha ng nasabing prangkisa upang makaiwas sa penalty o ang pagpapasara ng establisimiyento. Tinatayang magiging mas maigting ang pagpapatupad ng ordinansang ito sa susunod na taon.
RELATED ARTICLES:

Comments
RSS feed for comments to this post