Matapos ang halos limang buwang pagkakabinbin ng pagbubukas ng prangkisa sa traysikel sa lungsod ng Calamba ay inaprubahan na ang pagkakaloob ng prangkisa nitong ika-29 ng buwan ng Oktubre. Sa bisa ng Executive Order mula sa Tanggapan ng Punong Lungsod sa pakikipagtulungan ng Committee on Transportation, Franchises and Utilities, sa pamamagitan ni Konsehal Christian Niño Lajara, ay itinakda ang pagbubukas ng pagkakaloob ng Prangkisa sa Traysikel sa lungsod ng Calamba.
Magsisimula ng ika-8 ng Nobyembre hanggang ika-10 ng Disyembre ng taong kasalukuyan ay maari ng tumanggap ng aplikasyon ang Business Permit and Tricycle Franchising Office. Kabilang sa mga ipoproseso ay ang mga motor na binili at inirehistro sa Land Transportation Office (LTO) ng hanggang September 30,2010. Ang mga indibidwal na aplikante o non-TODA members ay kinakailangang magsumite ng Certificate of Registration mula sa isang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na duly certified naman ng Pederasyon. Sa mga aplikante ng Change of Ownership of Tricycle Franchise ay kailangan ng Barangay Clearance at Confirmation mula sa LTO. Kailangan naman ang Deed of Sale at rehistro mula sa LTO kung ang traysikel ay hindi binili sa lungsod ng Calamba. Nagkaloob naman ng 50% discount incentive para sa mag papa-renew sa loob ng itinakdang panahon.
Matatandaang kamakailan ay naging maigting ang usapin ng Prangkisa sa Calamba. Bunsod na rin ng karaingan ng sektor ng tatlong gulong na mabuksan na ang Prangkisa dahil sa kanilang katatayuan na dahil walang prangkisa ay palagi lamang silang nahuhuli ng mga traffic enforcer. Kung kaya’t malaki ang epekto ito sa kanilang kabuhayan. Ayon kay Konsehal Lajara ay matagal ng nagawa ang ordinansa para rito kung kayat approval na lamang ng Tanggapan ng Punung Lungsod ang kinailangan.
Related Article: PRANGKISA SA TRAYSIKEL, AYAW AKTUHAN NG PUNONG EHEKUTIBO

Comments
RSS feed for comments to this post