Si Carlos Rodriguez, Pangulo ng Nagkakaisang Lakas ng Manggagawa ng Calamba Water District, ang pang-22 na biktima nang extrajudicial killing sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Si Rodriguez ay binaril ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa harapan ng planta ng Coca Cola sa Barangay Halang pagkalabas nito sa kanyang trabaho noong Nobyembre 12, bandang alas-5:30 ng hapon.
Ang 41 taon na meter reader sa CWD ay Coordinator rin ng COURAGE, ang pederasyon ng mga militante, progresibo at makabayang mga unyon ng pamahalaan , sa Southern Tagalog.
Ayon sa ulat ng Southern Luzon Exposure, may apat na tama si Rodriguez, dalawa sa likod, isa sa leeg at isa sa bisig. Siya rin ang pangalawang militante na napatay sa Timog Katagalugan sa loob ng limang araw. Nauna na ang magsasakang si Ireneo Rodriguez mula naman sa Batangas.
Sinabi naman ni Glen Malabanan, Deputy Secretary General ng Karapatan-ST na malinaw itong parte ng Oplan Bantay Laya 2 na sinimulan pa mula noong nakaraang administrasyon.
Iba't ibang grupo na rin at indibidwal ang kumondena sa nasabing insidente. Inaasahan na rin ang pagkundena at pagtulong ng Sangguniang Panlungsod sa nangyaring ito. --Matt Palentinos
Last Updated on Monday, 15 November 2010 07:47
Comments
RSS feed for comments to this post