Nasa dalawang-daang inmates ang naserbisyuhan sa ginawang Medical Mission ng UNTV 37 sa BJMP sa Barangay Turbina, Calamba City. Mula sa libreng medical, optical check-up at X-ray ay namigay din ng libreng salamin sa mata at mga gamot. Bukod sa mga volunteer doctor, nurses at therapists ay may dumating ding abugado at legal consultants para sa mga payong legal. Ang medical mission na ito ay matagal nang ginaganap sa mga bilangguan sa buong bansa bilang bahagi ng malawak na programa ng pagkalinga sa kapwa taong nangangailangan. Nagpapasalamat naman ang mga bilanggo sa pagdalaw na ito ng UNTV dahil marami sa kanila ang halos hindi na binibisita ng kanilang mga kaanak kung kaya’t halos wala rin silang pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Bukod sa proyektong ito ay suportado rin ng UNTV ang iba pang daily public service programs tulad ng Libreng Sakay sa Bus, Jeep at MRT, Transient Home sa EDSA, Law Center ni Kuya at Clinic ni Kuya.


Comments
RSS feed for comments to this post