Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PRANGKISA SA TRAYSIKEL, AYAW AKTUHAN NG PUNONG EHEKUTIBO

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 


Bilang tugon sa matagal na kahilingan ng mga magtatraysikel sa Calamba na buksang muli ang pagkakaloob ng prangkisa, ipinaliwanag ni Konsehal Christian Niño S. Lajara na nagawa na ng  Sanggunian ang tungkulin nito sa isyu ng prangkisa ng maipasa sa Sanggunian Panlungsod ang ordinansang nagtatakda ng guidelines sa pagkuha ng prangkisa noon pang taong 2008.  Nasa tungkulin at kapangyarihan na ng Punong Ehekutibo kung kailan ito bubuksan sa mga magtatraysikel.  Binigyang-diin din ni Lajara na malinaw sa kaniyang ordinansang ipinasa na hindi sarado ang pagkakaloob ng prangkisa at bahagi na ng Punong Ehekutibo ang kinakailang aksyon sa isyu.

 

Matatandaang panahon ng eleksyon ng ipangako ni Mayor Joaquin Chipeco Jr. at Konsehal Niño Lajara ang maigting na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga pederasyon ng traysikel sa pamamagitan ng pagkilala sa nasabing ordinansa.  Subalit magpahanggang ngayon ay nananatiling nakabinbin ang pagbubukas ng prangkisa.

 

Karaingan ng mga magtatraysikel ang madalas na paghuli ng mga traffic enforcers dahil sa kawalan nila ng prangkisa.  Sa lungsod ng Calamba ay tinatayang mayroong mahigit kumulang na tatlong libong traysikela ng ilegal na bumibiyahe sa lungsod.  Umaasa naman ang mga nasa sektor ng tatlong gulong na maresolba na ang isyung ito upang maisaligal na ang kanilang hanapbuhay.

 


 

 

Comments  

 
0#1daredevilako2010-10-28 16:21
magkano ba talaga ang minimum na pamasahe sa tricycle? iba iba kasi singil ng mga driber ng tricycle. kapag binigyan mo ng P10 na buo minsan ayaw na suklian. bigyan mo ng P8 (which is I know the min fare) ay galit pa kung minsan. dapat wag na irenew ang franchise nung mga tricycle na kupal at abusado kung maningil.
Quote
 

Add comment


Security code
Refresh