Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

PANGANIB NG DENGUE SA CALAMBA PATULOY ANG PAGBABA

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Ayon sa ulat ng City Health Office ay naging dramatiko ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Dengue sa Lungsod ng Calamba.  Mula sa walumpu (80) na bilang ng final diagnosis ng buwan ng Agosto, biglang taas naman sa isang-daan at tatlumpung (130) kaso ng buwan ng Setyembre ay mayroon na lamang isang (1) reported case ng dengue nitong unang linggo ng buwan ng Oktubre.  Matatandaang sa mga buwan ng Agosto at Setyembre ay naganap ang pagtaas ng bilang ng mga insidente ng sakit na Dengue Fever sa buong bansa.

 

Ayon kay Dr. Rodolfo Khan, Head ng City Health Office, ang matagumpay na pagsawata sa Dengue sa lungsod ng Calamba ay bunga ng pinagsama-samang pwersa ng City Health Office,  Sanggunian Panlungsod at Tanggapan ng Punong Lungsod.  Naging epektibo ang paggamit ng mga Misting Machine at Larvaecide upang mabilis na mapuksa ang mga lamok.  Dagdag pa ni Dr. Khan na ang mga teknolohiyang ito ang ginagamit sa ibang mga siyudad.  Ang misting machine ay pamuksa sa mga adult mosquito samantalang ang larvaecide naman ay pamatay ng mga kiti-kiti at itlog ng lamok.  Sa pinaigting na operasyon ng mga personnel ng City Health Office ay kinailangan nilang mag-misting ng dalawang beses, tuwing umaga (5AM to 9AM) at hapon (4PM to 6PM) sa 4 na barangay kada araw.

 

Pinapaalalahanan naman ang madla na sa kabila ng pagkawala ng panganib dulot ng nakamamatay na sakit na ito, ay patuloy pa ring maging mapagmasid at panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran.  Dahil kung saan ang marumi, nandoon ang lamok.

 

Kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng dengue ay inaasahan na maaring nasa 10-12 kaso na lamang ang maitatala sa Calamba.

 


 

Add comment


Security code
Refresh