Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

COMELEC GUN BAN PINAIGTING

  • PDF
User Rating: / 1
PoorBest 

Sa ginawang implementasyon ng COMELEC gun ban ng PNP-PRO4A CALABARZON, Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna ay dalawangpu’t anim na mga baril ang nakumpiska at may limangpu’t isang katao naman ang inaresto dahil sa paglabag.

 

Nangunguna sa talaan ang lalawigan ng Quezon sa mga bilang mga paglabag sa gun ban na may nakumpiskang 10 baril.  Pinangalawahan naman ng Cavite na may bilang na pito, pangatlo ang Rizal na apat, sinundan ng Batangas na may tatlo at ang Laguna ay may bilang na dalawang baril na nakumpiska.  Dagdag pa rito ang isang granada at labing-anim na patalim na kasamang nakumpiska

 

Sa inilabas na ulat ng kapulisan, kabilang sa inaresto ay si Mayor Angel Ardiente Jr. ng Guinyangan, Quezon at lima pang kasama nito.  Nahuli sa kanila ang 1 baby armalite, 1 machine pistol, 2 caliber 45  na baril sa kanilang sasakyan.  Isa naman German national na kinilalang si Wollanndt Hans George ang inaresto sa Atimonan, Quezon dahil din sa pagdadala ng baril.

 

Sa isang insidente ng barilang naganap sa Agoncillo, Batangas, dalawang hindi pa kilalang kalalakihan sakay ng motorsiklo ang diumano ay bumaril sa isang Restituto Mendoza na ikinasawi nito.  Isang  kalibre 45 naman ang natagpuan sa insidente.

 

Hinikayat naman ni PCSUPT Nicanor Bartolome, Regional Director ng PNP PRO4A, ang pwersa ng kapulisan na paigtingin ang ginagawang checkpoint kaugnay ng ipinatutupad na gun ban.--LLOID ANJAIL

 



 


Last Updated on Friday, 15 October 2010 04:09

Add comment


Security code
Refresh