Sang-ayon sa kahilingan ng Calamba City Fisheries and Aquatic Resources Council ay ipinanukala ng Tagapangulo ng Komite ng Agrikultura, Konsehal Niño Lajara, ang pagkakaloob ng dalawampu’t limang bangka para sa mga mangingisdang kasapi ng FARMC mula sa mga bayabaying barangay ng lungsod ng Calamba. Ang pondo para sa kahilingang ito ay manggagaling sa tinatawag na Fishpen Fee Share, isang pondong laan para sa sektor ng pangisdaan na tinatanggap ng lokal na pamahalaan mula sa Laguna Lake Development Authority (LLDA). Sumang-ayon naman ang Committee on Appropriation na ang panukala ay maipasa na sa unang pagbasa sa Sanggunian Panlungsod.
