Jobs Directory

Untitled-1

Business Directory

Untitled-2

Please update your Flash Player to view content.

WALTERMART, MAGBUBUKAS NG ISA PANG BRANCH SA CALAMBA

  • PDF
User Rating: / 2
PoorBest 

Sa isang panayam ng SANDIGAN-CALAMBENYO sa radyo nitong Biyernes ay inianunsiyo ni G.Jojo de Guzman, VP for Business Development  ng WalterMart Corporation ang pagbubukas ng isa pang karagdagang branch ng WalterMart sa lungsod ng Calamba.  Isa pang karagdaran sa labinlimang branches ng mall sa Luzon.  Ito ay upang lalo pang makapag hatid ng mas malawak na serbisyo at produkto sa mga Calambenyo bilang pasasalamat sa mahigit labindalawang taong pagtangkilik ng mga taga-Calamba sa naturang mall.

 

Umaasa ang pamunuan ng Waltermart na sa kabila ng pagdating ng isang “friendly competitor” ay patuloy pa ring tatangkilikin ang kanilang community mall.  Sa loob ng mahigit 12 taon ay naging kaisa ang Waltermart ng mga Calambenyo pagdating sa pagpapaunlad ng lokal na kalakalan sa lungsod.  Halos lahat ng kanilang produkto sa supermarket tulad ng mga gulay, prutas, manok, baboy, itlog ay nagmumula sa mga local producers.  At malaking bahagi ng mga stall owners at pawang mga taga-Calamba rin.  Sa pamamagitan nito ay kabuhayan ang kanilang naihahatid sa maraming bilang ng mga lokal na negosyante.

 

Malaki ang paniniwala ng Watermart sa Franchise Ordinance na ipinatutupad sa lungsod na kung saan ang mga tulad nitong shopping center, market at mga terminal ay kinakailangang kumuha ng prangkisa . mula sa Sanggunian Panlungsod bago makapag-operate.  Ayon kay G.de Guzman, maganda ang layon ng Franchise Ordinance dahil mapoprotektahan nito ang mga local entrepreneurs.  Sinabi rin ni G. de Guzman na makaaasa ang mga mamamayan sa mas pinagandang Watermart Calamba.

 

 

 

 

 

 

 

Last Updated on Monday, 11 October 2010 06:43

Add comment


Security code
Refresh