Sa resolusyong ipinasa ni Konsehal Christian Niño S. Lajara na Tagapangulo ng Komite ng Agrikultura na naglalayong ipatupad ang Republic Act 7305 o mas kilala sa tawag na Magna Carta of Public Health Workers. Ito ay magbibigay ng kaukulang benepisyo katulad ng pagkakaloob ng Hazard Pay partikular sa mga Veterinarians at Meat/Livestock Inspectors. Ang nasabing batas ay ipinatutupad na sa ibat-ibang mga probinsya at lungsod tulad ng Ormoc City na nagbibigay ng hazard pay para sa mga kawani ng Veterinary Office.
Ang RA 7305 ay sumasaklaw sa lahat ng mga health workers ng mga ospital, sanitarya, health centers, rural health units, barangay health stations, clinics at iba pa. Isinasaad ng RA 7305 na ang lahat ng Public Health Workers ay may karapatang tumanggap ng Hazard Pay kung sa kanilang tungkulin ay nasa limampung porsiyento ng kanilang working hours ay nakalantad sila sa mga panganib o risks tulad ng mga sumusunod na kundisyon: difficult locations; strife-torn or embattled areas; distressed and isolated stations; prison camps; mental hospitals; radiation exposed clinics;laboratories and disease-infested areas; areas declared under a state ofcalamity or emergency for the duration when there is exposure to danger,contagious disease, radiation, volcanic activity or eruption, occupational risks and perils to life.
Sakaling ito ay mapagtibay sa Sanggunian Panlungsod ay isasama na ito sa mga gastusing paglalaanan ng kaukulang pondo ng Lungsod ng Calamba sa susunod na taon 2011.

Last Updated on Friday, 01 October 2010 04:20