Damang-dama na ang excitement ng mga taga-Calamba sa pagdating ng pinakamalaking mall chain sa Pilipinas, ang SM City Calamba. Parang nabubuong pangarap ang pakiramdam ng mga taong napapadaan sa bandang Crossing kapag nakikita nila ang papatapos na ang mall.
Subalit hindi pa man tapos ang nasabing mall ay binalutan na agad ito ng mga pagpuna sa loob ng Sangguniang Panlungsod, sa katauhan ni Kon. Christian Niño Lajara dahil sa hindi pagsunod sa ilang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan. Tila tuloy bagabag ang nararamdaman ko na sa maaaring maging epekto kapag binuksan na ang magiging pinakamalaking mall sa loob ng ating siyudad.
We’ve got it all for you!
Ito ang sikat na tagline ng SM Supermalls. Tila ito talaga ang gusto nila mangyari maging dito sa Calamba. Ang dalhin lahat ng kaya nilang dalhin mula sa ibang lugar patungo rito, mula stalls, concessionaires, produkto, trabahador at management.
Isa sa pinangangambahan sa pagdating ng SM ay ang unti-unting pagkalugi sa maliliit na negosyante sa paligid ng sentro ng lungsod. Sa pamamagitan ng privilege speech ay binanggit ni Kon. Lajara ang kanyang mga pangamba, kasama na rito ang hindi pagtupad ng SM na isa lamang SM Hypermart ang itatayo. Nabigla na lamang daw siya nang makita niyang isang napakalaking mall na ang tinayo.
Bingyang pansin ng Konsehal ang maaaring maging epekto nito sa maliliit na negosyane sa area ng Crossing. Halimbawa niya ang Maya Bookstore na isa nang institusyon sa pagbebenta ng office and school supplies sa Calamba. Maaaring malugi na lamang ito kapag naitayo na ang SM at nailagay rito ang iba pang malalaking bookstore.
Tugon niya rito ay dapat bigyang priyoridad ng SM ang mga negosyante sa Calamba tulad ng Maya Bookstore na mabigyan ng puwesto sa loob mismo ng mall. Ito ay upang mabigyan ng patas na kompetisyon sa pamilihan ang ating mga kababayang negosyante.
Isa ring maaapektuhan nito ay ang nakatakda ng magbukas na Calamba Public Market. Ito ay isa sa mga priority project n gating lungsod. Maaaring mahila ng SM ang mga mamimili ng ating palengke na magtitinda rin ng mga dry goods na maging dahilan sa maliit na kita ng mga nandito. Sa madaling salita, magiging direktang kakompetensiya ng Public Market ang malaking mall na ito.
Isa pang problema ang binuksan ni Kon. Moises Morales kaugnay din ng pagtatayo ng nasabing mall. Ito ay ang magiging epekto nito sa trapiko. Ang mall ay nasa sentro ng ating lungsod. Sinabi niyang siguradong dadagsain ito ng mga tao mula sa mga kalapit na bayan at probinsya at magdudulot ng mabigat na trapiko. Dagdag pa niya na magiging kaaya-aya pa sana kung sa maluluwag na barangay ito inilagay katulad ng Canlubang at Turbina.
You need a Franchise Permit
Ito ang gusto ni Konsehal Niño Lajara na mangyari. Ang aplikasyon ng SM para sa isang prangkisa sa ating lungsod. Ito ay magiging matibay na sandigan ng mga taga-Calamba na hindi sila maaagrabyado sa itatayong establisyemento.
Sa ilalim ng franchise ordinance ay makakasigurado na mapapasailalim sa regulasyon ng pamahalaang panlungsod ang nasabing mall at susunod sila sa batas at pagtakda ng buwis sa kanila. Siguradong aani ng malaking kita ang pamahalaang panlungsod kapag naitayo ito at napatawan ng mga karamptang buwis.
Ilan rin sa panukala ang binuksan upang maging kapaki-pakinabang sa mamamayan ang mall. Una na rito ay ang job priority para sa mga Calambeño. Ilan pa ay ang priyoridad sa mga mamamayan ng Calamba na maging concessionaire at stall owners sa loob ng mall upang maiwasan ang business monopoly.
Dagdag pa rito ay ang pagsuplay ng produkto ng ating mga magsasaka at mangingisda sa kanilang supermarket. Ito ay upang mabili ang mga produkto ng mga manggagawang pang-agrikultura natin na may kalidad. Maaaring makatulong rin ito para sa mababang presyo dahil hindi na kakailanganin ng pagbyahe ng produkto dahil mismong sa loob na lamang ng lungsod kukuha.
Huli ay ang pagpondo ng SM upang magkaroon ng isang road network na gagamot sa suliraning trapiko. Una na itong kinuwestiyon dahil hindi nagpasa ang SM na traffic impact assessment. Ito ay magsisilbing daan upang hindi maipon ang sasakyan sa Crossing na normal ng maraming sasakyan sapagkat nakatayo roon ang ating City Terminal.
Opening day on October 15, Soft-Launching on October 14
Nagpatawag ang Vice Mayor Severino Lajara para sa isang pagpupulong ng Sangguniang Panlungsod at SM Management. Ito ay upang tugunan ang mga reklamo ng tao tungkol sa mall.
Tuluy ang tuloy naman ang pagbubukas ng SM City Calamba sa darating na October 15, batay sa mga report ng SM Management sa iba’t ibang websites. Ito ay sa kabilang wala pang matibay na nagagawang hakbang ukol sa mga mahahalagang panukala ang SM subalit inumpisahan na nito ang proseso sa pagkuha ng Franchise Permit sa ating City Government.
Inaasahan na isusunod na ng SM ang iba pang hiling ng mga konsehal ng Calamba upang maging maayos ang relasyon ng mall na ito at ng mga mamamayan.--Pinpin Tolentino

Last Updated on Friday, 22 October 2010 05:03
Comments
as far as i know, SM do cooperate with the city government regarding their policies...THEY priorities the cities' people for job ( actually from ba[censored]s city iitself, more than 5000 jobs had opened for the people from SM ba[censored]s)...
SM also allow the government to used their own road to minimize the traffic within the area as part of their traffic management network...
and proven din na uunlad talaga ang area where SM is located, more and more larger establishment will arise within the area of the mall... extreme compe[censored]on will arise between establishment from mall and other outside the mall...but for economy, compe[censored]on is very good...
during the first month of sm, jan talaga pupunta ang tao, bago kasi yan....pro after those months...magnonormalize din yan...^_^
DISIPLINA lng ang katapt nyan. kasi khit mag-implement man ng re-routing s crossing pra s mga jeepneys, khit umatend p ng sandamakmak n trainings ang mga CTMO, kung my mga iresponsable pa rin lalabag s mga batas n inilatag dun pra maiwasan ang trapik, Asahan nyo matindi tlagang trapik mangyyari dyan...
RSS feed for comments to this post